Thursday, April 30, 2009
usapang in lab...
o huwag nang ikaila, nainlab ka na dati, maaaring inlab ka pa rin ngayon at pwede ring maiinlab ka pa lang sa mga susunod na araw , at lalong huwag mong ikaila na sa iyong pagkakahumaling ay nagkaroon kayo nang tawagan na kayo lamang ang nakakaalam at kahit na sa gitna nang sandamakmak na tao kapag narinig mo ito ay tiyak lilingon ka at hahanapin kung sino ang tumawag kahit alam mong hindi naman talaga ikaw ang tinutukoy.
nakakatuwang pakingan ang ilang tawagan nang ilan nating mga kaibigang inlab, may nay at tay, ma at pa, dadi at mami, kapag may mga supling na, meron din kayang lomi? aheheks... kung mga bago pa lamang ay mahal, beybi, lab, at kung ano ano pang mga nakakasukang pakingang tawagan kung hindi ka in lab... mapapa eeeewwwww ka talaga kung medyo mababaw lang ang iyong bituka.
at hindi ako exempted dyan sa kaek-ekan na yan, ewan ko ba, may sumpa yatang kapag inlab ka e mappabilang ka na sa mga baduy ...
pero kakaiba ang tawagan namin nang aking labidu, anibersary namin ang mayo uno, kayat memorable ang araw na ito, huwag mo nang itanong kung ilang taon at di ko matadaan, itatanong ko nalang nang pasimple bukas para di niya mahalata eheheks... basta ang alam ko six or seven years na, tagal na rin long engagement ba...
textmate lang kami dati, naging magkaibigan at yun na! kami na pala! mayo uno kami unang nagkita sa may Cowboy Grill Malate, habang ang karamihang mangagawa ay nasa edsa, at iba pang lansangan nang Metro Manila na nagrarally, o kaya ay nagpaparty,naisipan naming magkita dahil yun ang parehas kaming walang pasok sa opis. hindi namin alam kung kelan kami naging on, kaya yun nalang ang ginawa naming anibersary, ang weird no? aheheks....
ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote nang aking labidu at ang laging tawag sa akin ay "ENGOT', kaya engot na rin tawag ko sa kanya, hangang sa nakasanayan na namin, kapag naglalambing, engot ang tawag, kapag nagagalit engot ang tawag, at kapag wala lang ay engot pa rin ang tawag, kaya kapag may nagsasabing "ENGOT" ay napapalingon ako, napagkakamalan tuloy akong engot. aheheks....
gusto ko nga sanang baguhin kaya lang wala akong maisip na iba, at talaga namang ang aking labidu ay "ENGOT" pa rin ang tawag sa akin....
haaaay tatanda na yata akong "ENGOT'... aheheks.......
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
una sa lahat hapi anniv. congrats, tagal na yan ah.
may mga kaibigan ako twagan daw nila dati, honeybunch, teddybear...hahaha pag napagkukwentuhan namin 'to natatawa talaga ko, wala tayong magagawa inlove eh, baduy.lols
engot?unusual ah...maganda na siguro yan, walang gagaya.haha
ENGOT!!!lolzz, Kahit ano pa man maging tawagan nyo sa isa't isa basta andun ung lambing at pagmamahal, okey na un...di na kelangan baguhin o pag isipan ng iba
Ung iba nga jan ang tawag "hayup" eh, "Hayup ka, bilisan mo pa" ngek!!!censored ata...hehehe
Happy Anniversary at Happy Labor's Day.
Tunay na memorable nga itong araw na ito.
natuwa lang ako at nawirduhan sa aming tawagan, anibersary naman namin kaya pagpasensyahan nyo na ha? aheheks...
seven years na pala kami... haaaaayyyyy....
sarap mabuhay kapag in lab, ano?....
buti kapa inlove.haha un yon eh...
Post a Comment