Tuesday, April 7, 2009

(BRB) emo mode muna...


Bakit kaya ano? dumarating tayo sa mga pagkakataong parang pagod na pagod ka na? Yun bang tipong isang hakbang pa at babagsak ka na.

Ang dami mo pang nais gawin pero di na kaya nang iyong katawan, gusto mo mang matapos ang iyong mga nasimulan pero wala na, ubos na ang iyong lakas at di ka na makakilos. Uupo ka na lang ba at hayaang lumipas ang oras?

Masarap magpahinga kaibigan, ang hindi muna magisip at hayaang gumalaw ang mundo nang di ka kasama, subalit kapag napagiwanan ka na nang panahon, may lakas ka pa kayang humabol?

Napakabilis na nang pagikot nang mundo ngayon, minsan ka lang malingat ay malayo na ang iyong dapat habulin, paano nalang kung hahayaan mong lumakad ang panahon na hindi ka kasama? May lakas ka pa kayang habulin ang nagdaan?

Nakakalungkot mang isipin subalit wala na tayong panahong magpahinga. Wala na ang mga panahong pwede kang maupo at magmuni muni at isipin ang bukas. Ang bukas ay naririto na, kailangan mong lumakad, lumaban o mapagiiwanan ka nang panahon.

2 comments:

2ngaw said...

Enjoy mo lang bawat segundo ng iyong buhay, bawat hakbang sa iyong paglalakbay...Matitisod ka o madadapa, pero wag mo kalimutan ngumiti pag ikaw nakabangon, kung di man, sigurado anjan SYA para tulungan kang bumangon...

Tiwala lang sa KANYA, siguro makakasabay tayo sa agos ng buhay ng hindi napapagod...

Rhodey said...

siguro nga masyado lang madaming iniisip kaya napapagod nang wala sa oras, pero kahit papano hindi naman nakakalimot sa kanya..