Wednesday, April 29, 2009

wala lang....


nakakatuwa namang talaga, mantakin mong pagkatapos kong matangap ang pinakakaasam kong adik ID este Cute Blogger ID eto na naman at nanominate pa akong employee of the month for February and March.

Nakakatuwa talaga, pagkatapos kong magawa ang bagong lay out nang aking friensdter, at multiply, iedit ang mga post ko para sa blog, at makipag chat ay eto at talagang pinili pa nila akong maging contender para sa pinakamasipag na mangagawa, aheheks talaga...

Anak nang tipaklong oo, eheheks....

Parang gusto ko tuloy pagaralang ibahin naman ang lay out nang blog ko, baka next month masungkit ko na talaga ang unang pwesto bilang pinakamasipag na mangagawa... aheheks...

Sana lang di maligaw ang aking boss na Finance Officer sa aking blog at baka mabuking ako aheheks talaga....

6 comments:

HARI NG SABLAY said...

sunud-sunod ang swerti ah,bka pwdng maambunan naman niyan,hehe

congrats...kampay!

Lord CM said...

Oist...trabaho na!!! lolzz

Astig!!!ako nga rin gawin ko yan :D

Rhodey said...

aheheks... opo, eto na nagtatrabaho na nga e, sa blog, sa friendster, sa chat, o di ba? super busy na? aheheks talaga...

melai said...

Hehehe! congrats! biro mo lakwatsa ka ng lakwatsa sa net tapos me award ka pa sa opis! galing!

manilenya

Rhodey said...

@melai kelangan lang diyan ay matindi tinding time management... e di maglakwatsa ka sa blogosperyo at kung saan saan pagkatapos mo nang gawin lahat mga reports mo, para makita ka man, mahuli, o madatnang nasa kalawakan ang isip e tapos mo naman na ang mga dapat mong gawin kaya okey lang...

aheheks...

soberfruitcake said...

hehe.galing galing nman.
congratz. sana kmi rin mnominate sa work.hehe