haaaay salamat week end na ulet, makakapagpahinga na rin sa wakas mula sa mga nakakarinding reports, nakakatulirong memo, at kung ano ano pang mga pinaggagawa sa opis, kasama na dyan ang bagong lay out nang friendster at face book, mga ieedit na entries para sa BLOG, at siyempre isabay na rin dyan ang pagkikipag chat. O di ba? sobrang busy talaga sa opis, kung minsan nga tapos na pala lunch break di ka pa nakakain, kasi yung ka chat mo ayaw paawat, tapos itutuloy mo pa yan pagdating sa bahay, ang dami talagang ginagawa sa opis at kelangan talaga nang matindi tinding pahinga pagsapit nang week end.
Pero nakakapagpahinga ka ba talaga kapag week end?
Sa dami nang labahin, lilinisin, kukumpunihin, at kakalikutin tapos na pala ang week end di ka pa rin nakapagpahinga, at bago mo pa mapansing pagod ka pa rin nasa opis ka na ulet at binabalikan na ang mga hindi natapos na report, mga di pa nabasang memo, ang di mo natapos na layout nang friendster at facebook, tapos ayan na yung ka chat mo, may kasama pang buzzz .
Parang wala din di ba?
Bakit kaya di nalang palitan ang pangalan nang week end, imbes na SABADO at LINGO, gawin nating SALABA, SALINIS, SAKUMPUNI,SAKAKALIKUTIN, SAPLANTSAHIN.
Naisip ko lang... Naisip mo na rin ba?.... aheheks...
3 comments:
Weekend na kami dito sa Arabian Gulf, kaya ngaung Byernes dapat naglalaba ako, pero hanggang ngaun ay nagba-blog pa rin ako hahahaha. Maraming salamat sa pagtanggap mo ng aing handog na tag award, you really deserve it bro, at ipagpaumanhin ang aking pagkakamali sa typos ng iyong palayaw, kahit Pope nagkakamali rin, hehehehe.
God Bless you my friend.
hahaha..sobrang busy nga sa opis nohh..part ata talaga ng job description natin yan eh ang isingit ang pagbablog,pagchchat, facebook at kung anek anek pa na pwedeng kalikutin sa internet..
dati, nung may kasambahay pa ako, marami akong oras sa sarili ko, sa pamilya at kaibigan..ngayon,,,hayyyyy nakakainis nahhhh
@ POPE, okey lang yun, di lang ikaw ang nagkamali sa pagbabaybay sa aking pangalan, nilapit ko ito sa iyong pansin upang mabigyang lunas... aheheks...
@ JEZ, at talagang kasama din pala sa job description mo ang mga yun? hahaha.. tropa tayo hehehe
Post a Comment