Thursday, April 23, 2009

meron akong barya...

Malapit na ang katapusan, magsisi ka na, aheheks ano ba yun? katapusan lang nang buwan ang darating, ibig sabihin madami na ang ubos na ang pera katulad ko, puro barya nalang ang natira, at pilit na minamadali ang pagdaan nang araw para maging katapusan na, pero kahit papano may barya pa naman diba? at sa ayaw mo man at sa gusto, matuto kang mabuhay sa tulong nang barya.

Napadukot tuloy ako sa aking bulsa, at wow! ang laman? isang halls na mentho-lyptus, dalawang bente singko at isang sampung piso na dating papel, ngayon ginawang barya at pinagtabi pa pala sina Apolinario at Andres. Hindi ko yun dating alam aheheks. Pramis...



Hirap talaga nang walang pera, iniisip ko tuloy magjowa kaya itong dalawang to? ahehe ano ba to? napasukan na nang kung ano ano utak ko.

Lapit tuloy ako kay bro, "Bro pengeng pera", ang sagot niya? "Magtrabaho ka!" aheheks suplado ang aking bro ngayon.

Pero bakit kaya ano? ang hirap kapag pera ang kulang sa buhay mo, kung minalas malas at puro ka yabang, sang katerbang maniningil ang hahabol sa iyo tuwing kinsenas at katapusan.

Pero kapag madami kang pera, problemado ka rin kung paano mo ito gagastahin... Pera talaga oo, punot dulo nang mga problema, mapadami at mapawala puro problema pa rin ang dulot.

Anut ano pa man, may pera ka man o wala basta nabubuhay ka, may pagasa pa ring magkakapera ka... aheheheks... sabi nga ni bro "Magtrabaho ka".

4 comments:

Hari ng sablay said...

based! ayun at nauna din...

kung ako ttnungin,mas gusto ko ng problema ang madming pera kesa wala.panglalakwatsa ko nlang pra mwala ang aking problema.

ako ung alknsya ko nagugutom na,hndi ko kc hinuhulugan, lols

The Pope said...

Pag ganitong petsa de peligro, talagang baryang barya na lang ang nalalabi sa ating mga bulsa, pero ano pera ba talaga ang nagpapasaya sa buhay ng tao? Pag wala kang pera, mangungutang ka at pag may pera ka naman, handa ka bang magpa-utang. Nice post kaibigan.

2ngaw said...

Hehehe :D Kahit ano pa yan, ayoko...ayokong kulang sa pera at ayoko na sobra sa pera...parehas lang nman magkakaproblema ka...minsan nga mas problema pa kapag sobra pera mo...

Bomzz said...

isa pa yan... kaya nag suicide/pinatay si etong dahil jan ....... hay pera nga naman..may mukha...pero ang mukha walang pera..... kumanta na ako....