Thursday, April 2, 2009

Sa Jeep naman...


Sumasakay ka ba sa jeep? Madaming eksena dito lalo na sa umaga na ang karamihan ay papasok palang sa trabaho, may mga nakauniform na, may mga seksi, magaganda at meron din namang hayaan mo na hehehe.

Pero napansin mo na ba? kadalasan kapag sumasakay sa jeep maraming nauuntog sa ilaw na nakausli sa bandang gitna, at kadalasan iba iba ang kanilang reaksyon.

Kapag ang nauntog ay estudyanteng naka mini o kaya ay babaeng naka uniform nang pang opis ang sinasabi ay "Ouch!!!" sabay haplos sa malambot na buhok at kinakapa kapa ang ulo na akala mo ay tinubuan nang bukol na sinlaki nang chocolate hills.

Kapag ang nauntog ay lalaking estudyante na halatang sa computer shop pumapasok at mina master ang ibat ibang computer games, at mga kabataang lalaki na halatang tambay lang sa kanto ang sinasabi ay "Puta pare, nauntog ako, tirahin ko to e", sabay amba nang suntok sa ilaw na para bang may kalaban.

Pero kapag nauntog ay estudyanteng matino na halatang puyat pa dahil sa karereview ang sinasabi ay "Wow!", hindi ko rin alam kung bakit sila napapa wow, pero maaring dahil nauntog sila nagising ang kanilang natutulog pang utak o maari ring nawala ang kanilang nireview at mapapansin mo nalang na nakatitig sila sa ilaw na para bang gusto nilang tanungin yung driver kung bakit nilagay lagay ang ilaw na yan sa gitna nang jeep.

Masaklap kapag ang nauntog ay binabae, ang sinasabi ay "Araray...." (with feelings) na parang naiiyak lalo na kapag maraming nakakita sa kanyang madramang eksena.

Ang mga matatanda naman ay walang kareareaksyon, para bang sinasabi nilang "Sanay na kami dyan".

Magkakaiba man tayo nang reaksyon at pagkakasabing "masakit", iisa lang ang alam kong dapat gawin, pag sumakay ka nang jeep wag aanga anga upang sakuna ay maiwasan.

2 comments:

Dylan Dimaubusan said...

:D

Nauntog ka siguro! Ahaha! Peace!
Ayus lang yan.. Di nman nakakacomatose ang mauntog sa ilaw ng jeep...

Ang di ko lang makakalimutang eksena sa jeep e yung biglang nagsalita yung katabi kong ubod ng ganda at kinis ng katawan mas seksi pa sa kin (lolz) tas biglang kakaiba yung boses, mapapatingin ka bigla sabay kunot ng noo! Wahahahaha!

Astig na bading!

Rhodey said...

haha di pa naman pero sana wag na... hehehe madami lang akong nakikita...