Saturday, May 30, 2009
pasukan na...
June na pala, ang bilis talaga nang panahon, eto at panahon na naman nang tagulan, at kasabay na naman nang mga patak nang ulan ang makapigil hiningang pagtitipid upang may maipadala sa probinsiya para sa alawans ni beybi damulag sa elementarya, ni jologs na kapatid sa hayskul, at ni munting propesyonal sa kolehiyo.
Tiyak na tiyak na naman ang kita ni LBC, Western Union, at ang hari nang padala sa mga remittance, local man o mapa international. (kuha nalang kaya tayo nang stock share para libre na padala? aheheks)
Sabagay kaya nga tayo nagtatrabaho diba? para mabigyan sila nang mas magandang bukas at ang magandang bukas na iyon ay mararating nila nang mas mabilis kung meron silang sapat na kaalaman, diploma at karunungan na makukuha lamang sa paaralan. (na sobrang mahal... ngiiii...)
hindi pa ako isang ama, isa lang akong kuya na nagnanais ding mabigyan nang diploma ang aking mga kapatid upang makahulagpos rin sila mula sa mahigpit na yakap nang kahirapan.
dahil saan ka man parte nang mundo mapadpad basta meron ka nito, wala kang talo, gamitan mo lang nang konting diskarte, tamang pagiisip, sipag at talino in na in ka na parekoy. (para lang commercial nang alcohol.. aheheks... di lang pampamilya, pang isports pa ahehehe..)
Kaya lang naisip ko lang ito noong graduate na ako, noong nasa mga kamay ko na yung diploma at ginagamit ko na, dahil noong nasa paaralan pa lamang ako, ang pasukan ay hudyat na naman nang lingo lingong allawans, may pang gimik, may pang inom, may pang yosi at may pang outing. ( inang... ito rin kaya nasa isip nila?.. aheheheks)
minsan pa nga kapag kinulang ang bigay na alawans dahil may lakad, magkikita ang tropa, o may date, kupit sa tindahan ni nanay, o kaya ay kunwari may project, kunwari bili nang libro, tapos ipapaxerox lang pala, kunwari bibili nang bagong uniform yun pala ipapa repair yung luma e bi mukha nang bago. ( oyyyy!!! di ko ginawa lahat yan, nakuwento lang sa akin... aheheheks)
kaya nga ako kinakabahan kapag sinasabihan ni nanay yung mga mas bata ko pang kapatid "Tularan niyo kuya niyo". Inang kupo, mapapasubo ata ako pag nagkataon aheheheheks...
ikaw anong kwentong fibisco mo? aheheheks....
Friday, May 29, 2009
Pira Pirasong Langit
Subalit sa kanilang paglalakbay hindi maitatatwang may mga ibang pangarap na nawawala na lang, naglalaho, nagkakapiraso, at nawawalan nang buhay, habang ang ilan naman ay patuloy na lumalago, nabubuo hangang maging isang kumpol nang tubig sa langit na nagsisilbing biyaya sa lupa bilang ulan na nagbibigay buhay.
Subalit hindi lahat nang mga nabuong pangarap ay nagbibigay nang panibagong buhay at pagasa, meron ding nagiging mapaminsala at minsan kumikitil din sa mga pangarap nang iba.
ang kapirasong langit na nasa mga kamay mo, para saan ba ito? upang makapagbigay nang panibagong pagasa katulad nang ulan o upang kumitil nang mga pangarap tulad nang unos?...
Wednesday, May 27, 2009
are you smarter than a fifth grader- Kelly Pickler
Meron din siyang certified gold album na kinabibilangan nang mga kantang "Red High Heels", "I wonder", at "Things that never cross a mans mind". Magaling siyang singer pero natawa talaga ako nang todo sa episode na ito nang .... tadannnn....
hungary...
a swirly after class....
isa lang ang masasabi ko, wow.....!!!
Tuesday, May 26, 2009
naalala mo pa rin?...
ito ba ay para magsilbing alaala nang iyong mga pagkakamali upang matuto sa mga susunod na mangyari ulit ito? para katukin ang puso mo at ipaalalang nangyari na ito, ayaw mo nang mangyari pa ulit, o maramdamang pagkalipas nang lahat nang nangyari ay maramdaman mong tao ka pa rin, may puso at damdaming nakakaramdam pa rin nang sakit, saya, nakakaluha at nakakatawa pa rin, o kaya ay paalalahanan mo ang iyong sarili na pagkatapos nang lahat heto ka pa rin nakatayo, lumalaban, mas masaya, o mas malungkot kesa sa dati? na nakalugmok pa rin at di pa nakakamove on?
hindi naman pwedeng tumatawa habang lumuluha para sana balanse, may ngiti, may luha, may ambulansiya nang naghihintay sa iyong paglabas ahehehe....
masarap magbalik tanaw kapag ito ay nagbibigay sa iyo nang lakas upang lumaban, tumayo at maglakbay ulit, subalit kung sa iyong paglingon ay mas malulugmok ka sa iyong kinalalagyan ay dapat mo na siguro itong kalimutan, iwaksi sa iyong isipan at pulutin ang aral na pwede nitong ibigay sa iyo, lumakad pasulong, at hayaang lamunin nang kahapon ang pait na dala nang nakaraan.
ngunit paano?...
Monday, May 25, 2009
paano kaya?...hmmmm...
kapag nagcocomputer ka at mabagal ang connection, di mo ba mapigilan ang sarili mong kausapin ang computer mo, murahin o kaya ay magmakaawa upang bilisan nito ang pag download? kapag di mo mabuksan ang pinto, ano ba ang ginagawa mo? kinakausap mo pa rin ba? ang sapatos mo kapag di mo makita sinisigawan mo ba at tinatanong kung nasaan na siya? na pwede bang magpakita na siya at malelate ka na? ang susi mo kapag di mo mahanap, ano ang ginagawa mo?
hindi ko rin maintindihan pero alam mo namang hindi sasagot ang mga iyon pero kung kausapin mo sila ganun ganun nalang, kung minsan punong puno nang pagmamahal, minsan naman punong puno nang galit, kung ibalibag mo nga sila ganun ganun nga lang din, kung minsan at nangigigil ka di ba kung lapirutin mo sila, yakapin ay halos magkadurog durog na sila?
nakakatuwa ano? alam mong di ka naman sasagutin pero bakit kailangan mo pa silang kausapin? pumasok na ba sa isip mo paano nalang kung bigla silang sumagot? may matatakbuhan ka ba? e kung sa kakalapirot mo sa pangigigil mo diyan sa laruan mong teddy bear biglang umaray, may malulundagan ka ba? yung sapatos mo sa kababalibag at biglang nagreklamo may mapagtataguan ka kaya? yung mga susi kung biglang sumagot at sisishin ka sa pagiging burara mo, may matatakbuhan ka ba? hmmmmmm.....
e pano nalang kung habang binabasa mo to may sumitsit sa likod mo lilingon ka kaya?....
aheheks.... joke lang po....
pssssttt..... hahaha
Sunday, May 24, 2009
my favorite blog award
simple lang naman ang rules nito.
1. dapat lagi mong binibisita ang kanyang pahina,
2. inform mong meron siyang tag/award sa pahina mo,
3. acknowledge mo kung sinong nagbigay sa iyo.
4. pwede mong ibigay sa kung ilang blog na mahal mo, malapit sa puso mo, o kaya ay paborito mo.
5. Lagyan mo na rin nang link
yun lang.
una na ako.... gusto kong ibigay ito kay:
Hari nang Sablay mula sa "Tambay"
The Pope mula sa "Palipasan"
Marlon mula sa "Perspektib"
Super Gulaman mula sa "Super Gulaman"
Jelai mula sa "My Deviation"
Gi-Ann mula sa "The Second Realm"
gusto ko lang ding pasalamatan si Gi-Ann mula sa TheSecond Realm, at kay Jelai mula sa My Deviation para sa mga award na to..
Saturday, May 23, 2009
sa aming probinsiya..
alam ko hindi lang ako ang gustong gusto nang makauwi na muli sa probinsiya, ang muling makita ang mga kaibigan at mga kabarkadang kababata, mayakap ang mga mahal sa buhay at muling gawin ang mga bagay bagay na ating kinagawian, ang magpalipad nang sarangola sa kaparangan, maghabulan sa bukid, magkwentuhan sa ilalim nang punong manga, umakyat sa puno nang sinegwelas, manghuli nang tutubi sa parang at kung ano ano pang gustong gusto mo nang balikan at gawing muli upang maramdamang muli ang ligayang dulot nang pagiging bata...
ang sorbetes na inaabangan mo sa hapon, ang habulan ninyo habang naglalaro nang tumbang preso, piko, taguan, sipa, at madami pang iba, at siyempre namimiss mo na rin yung kalaro mo sa bahay bahayan, kumusta na kaya sila?
kakainis kasi itong si mareng Celeste Legaspi, sarap na sarap akong nakikinig sa radyo nang bigla siyang kumanta, nadala tuloy ako, nasaling ang aking pinakatago tagong damdamin para sa aking mga mahal na naiwan sa probisiya, ayan nag "emo mode" tuloy ako...
haaaaaayyyyyyy......
Thursday, May 21, 2009
ikaw, ako at isang mathematical equation
noong una pinipilit ko ang sarili kong iwasan sila, na hindi kailan man mainlab sa magulong mundo nang mga numero pero sa bawat galaw ko, unti unti kong nakita kung paanong ang mga numero ang siyang gumagabay sa aking paglalakbay, at napagtanto ko na tayo ay nabubuhay sa gitna nang isang malaki at complikadong mathematical equation, maaring napansin mo na rin, maari ding hindi mo lang binigyan nang tingin pero hindi bat sa bawat galaw mo, maaring gumagamit ka nang addition, subtraction, multiplication at maari ding may division?
kapag naglalakad ka nagdaragdag ka nang milya sa iyong paglalakbay, habang nagsusubtract ka naman sa oras na iyo pang ilalagi sa mundo, nagmumultiply ka sa pamamagitan nang pagkakaroon nang mga supling at gumagamit ka nang division upang mapagkasya ang oras mo sa trabaho, pamilya, kaibigan at para sa iyong sarili, pero habang ginagawa mo ito ay naapektuhan rin ang buhay nang ibat ibang taong nakapaligid sa iyo.
kasama ako sa nagsasabing mahirap unawain ang mathematics, pero kapag itoy iyong niyakap at isinapuso ay makikita mong hindi ito mahirap intindihin, at lalong hindi siya mahirap gamitin sa araw araw nating paglalakbay.
hindi ko man lubusang maipaintindi sa inyo kung ano ang ibig kong sabihin subalit magmasid ka kaibigan at makikita mong ang mathematics ay ginagamit natin sa araw araw, hindi lang natin napapansin, hindi lang binibigyang halaga, pero ikaw ay kasama ko sa isang higante at kumplikadong mathematical equation at bawat kilos mo ay may epekto rin sa akin, at sa mga taong mas malapit pa sa iyo.
hmmmmm... did i make sense? aheheheks...
takbo, wala lang tumakbo ka lang....
Wednesday, May 20, 2009
balik tanaw lang....
nang dahil sa payless na yan, napaisip ako, napatigil, may naalala, nag "emo mode"....
noong panahong nasa school palang, noong ang allowance ay pinagkakasya lang para sa isang lingo, at siyempre kapag dumating na ang miyerkules mejo kulang na ang pera at dapat ka pang magtira nang pamasahe para makauwi sa sabado upang makabakasyon pansamantala at makakuha na ulit nang allowance para next week.
hindi kami mayaman mayabang lang talaga ako aheheheks.... at ang allowance ko lang noon ay Five hundred pesos kasama na doon ang thirty pesos na pamasahe para sa dalawat kalahating oras na biyahe mula sa aming barrio. Hangang saan nga naman aabot ang four hundred seventy sa dami nang projects, ipapaxerox, pangmeryenda, pangkain at pang date, tapos dapat ka pang magtira nang thirty pesos para makauwi ulit o maghahanap ka nang mauutangan sa biyernes upang makauwi, at kadalasan yung huli ang ginagawa ko tapos dapat sa lunes bayad ka kung hindi hindi ka na makakaulit. hehehe.
Three fity lang ang payless noon at kuatro pesos naman kapag pancit canton, tapos ang itlog ay three fity din, talagang naalala ko yan kasi yan ang palagi kong pagkain, sa umaga, tanghali at hapunan, iba iba nga lang ang flavor, at kapag itlog naman, dapat scrambled na prito at dapat malaki ang pagpriprituhan para malaki ang spread para mahati mo, para may ulam ka pa mamayang tanghali. haaaaay, buhay estudyante nga naman.
nakakatuwang magbalik tanaw, ang isipin kung paano ka nakasurvive, at balikan ang ibat ibang putahe nang payless na ihinain mo, o kaya ay pancit canton na nilagyan nang kung ano anong sahog na gulay tapos isang kalderong kanin ang kasabay, solb na ang gutom mo.
mapalad yung ibang mga kaibigan natin na hindi na kailangang magtipid para lang makapagaral, pero dahil na rin sa mga bagay yun kaya ako nagpursige, nagaral nang mabuti, upang hindi na muling maulit ang mga yun sa aking magiging mga supling, haaaay, sana nga lang maapreciate nila ang mga pagsusumikap ko ngayon para sa ikabubuti nila... aheheheks... achuchuchu.. haha..
Tuesday, May 19, 2009
never say die...
ito naman... nakakiyak... lalo na kapag nakakarelate ka, 12 lang ang napili tapos pang 13 ka waaaaahhhh ang saklap talaga, lalo na kapag gustong gusto mo, pinaghandaan mo, pinagpraktisan, nakakawalang gana, pero salamat nalang at nandyan si nanay, hindi man lucky me ang handa niya, nandyan naman siya para umalalay, gumabay,at sa kay nanay pwede kang imiyak, huwag lang OA sa tagal at baka may kasama nang dagok yan, pampagising, sabi nga niya... aheheheks..
haayyyyyy....
Sunday, May 17, 2009
si bulilit....
commercial muna..... nakyukyutan lang ako sa commercial na ito, naranasan ko rin kasing tumira sa maliit at masikip na room lang noong bago pa lang ako sa manila and in short nakarelate talaga ako eheheks...
Saturday, May 16, 2009
Confessions of a "Devils Advocate"
Taklesa ako, inaamin ko yan, minsan may mga nasasabi akong mga katotohanan na masakit isipin at tangapin kung sa iyo napatungkol, dahil totoo, sabi nga nila "Truth Hurts", lalo na kapag yung katotohanan na yun ay negative ang dating sa iyo.
Nasanay lang kasi ako sa bahay noong bata pa ako, kung may mali kang nagawa huwag mong ikaila, tangapin mo and " bear the consequences of your actions" sabi nga ni nanay, "Kundi ka ba naman isat kalahating tanga alam mo nang di tama gagawin mo pa". o di ba? Ang lupet ni madir dir ko? hahaha pero tunay, totoo, at sumasangayon ako. (hindi yung isat kalahating tanga ako ha? yung meaning nung sentence nya eheheheks.....) at lagi niya kaming sinasabihan na kapag may nakita kaming hindi tama ay dapat namin itong sabihin dahil baka hindi alam nung taong yun na mali ang kanyang ginagawa para maitama niya, o kaya ay masyadong concieted ang taong yun para alam niyang hindi daw siya kaguapuhan at huwag matatakot dahil kapag katotohanan daw ang iyong sinasabi ay marami kang magiging kakampi, pero yung iba duwag lang daw lumabas pero aayon sila sa mga sinasabi mo, huwag ka lang masyadong OA sa pagdeliver nang speech mo.
Pero sa bandang pagdeliver nang speech ako minsan pumapalya, wala akong grace under pressure, dirediretso lang ako, masaktan ka na wala akong pakialam, tanga ako pero mas tatanga tanga ka pa pala sa akin, sabi ko nga sa aking mga kaibigan "Either you love me or Hate me, Either way I DONT CARE" aheheheks.... o diba? astig nang LOLO niyo.
Minsan madami ang nagsasabing ang sama sama ko daw, pero ang hindi nila alam matagal ko nang alam yun at ang sagot ko nga "Thank you for the compliment" o diba? sopla agad eheheheks....
Alam ko, hindi nakakatuwa, na madami akong nasasaktan, nasasagasaan at madaming may galit sa akin dahil sinabi kong, tatanga tanga kasi siya, kundi ba naman siya isat kalahating tanga alam niyang mali ginawa pa rin niya , na magtrabaho na siya at puro lang siya sipsip sa boss, kung gusto niyang umasenso magtrabaho siya nang tama at huwag angkinin ang pinaghirapan nang mga katrabaho niya, may kasama pang "mura".
Alam ko rin na akala nang madami supladito ako, impaktito, walnghiya, pero hindi nila nakikita ang "Halo" sa aking ulo, ang "puting pakpak" sa likod ko, ang hindi nila alam "ANGHEL" ito no? hindi lang halata kasi naka disguise ako eheheheks....
Pansamantala, "i will keep my mouth shut" ang tanong makakatagal kaya ako? sa dinami dami nang naglalakad na taong plastic, ewan ko nalang eheheks...
Ewan ko ba sa dinami dami nang pwedeng ipamana nang aking ina ang kanyang pagiging matabil pa ang nakuha ko pero masaya ako kapag nakikita kong may nangyayari sa mga taong pinagsabihan ko nang katotohanan, kapag nakita mo na hindi na nila ginagawa yung kanilang mga kinagawian dahil nasabihan silang "Tanga" , "Tamad" , "Plastic", "Manloloko" , "Sipsip" "Ningas kugon" at etc... etc.. ay masaya na rin ako, minsan ang kailangan lang nang ilan sa atin ay matinding yugyug sa balikat upang magising sa katotohanan.
hmmmm... ako kaya? kelan kaya ako mayuyugyog? kelan kaya ako magigising? tama kaya mga pinaggagawa ko?... ay ewan, "Bro, ano sa palagay mo?".... ehehheks....
this is my confession, Confessions of a Devils Advocate....
Friday, May 15, 2009
Kapamilya Kapuso Katrabaho....
Ang trabaho ay itinuturing na nating second family, mas marami na nga tayong nauubos na oras sa ating workplace kesa sa sariling bahay kung minsan diba? Lalo na kapag super daming trabaho at di maiiwasang mag over time.
At hindi rin maiiwasan na may mga katrabaho ka na mas may edad pa sa iyo (pasensiya na kung ikaw ang pinakamatanda, malas mo eheheks…) at hindi rin maiiwasan na nakakabuo tayo dito nang pamilya, may mga tatay tatayan o kaya ay nanay nanayan tayo, may mga kuya kuyahan, ate atehan, at kung minsan meron ding mga asawa asawahan. (aheheheks…)
Sila yung mga itinuturing ka na ring parang tunay na kapamilya nila, sa kanila mo naibabahagi ang iyong mga suliranin, mga halakhak, luha at pati na nga galit kung minsan.
Sila yung mga nagbibigay sa iyo nang pangaral, at nagaalala tuwing napapatawag ka sa opis ni GM kasi may bulilyaso ka na naman, o kaya ay nagpapaalala sa iyo na ang pasok ay 6 days a week at ang day off ay isang beses lang isang lingo, na ang birthday leave ay minsan lang sa isang taon, at ang sickleave kapag may sakit ka lang at hindi tuwing naiisip mong may sakit ka. Sila yung nagsasabing mataas na ang files nang folder sa mesa mo at kailangan mo nang tapusin ang pakikipag chat, pagsilip sa mga profiles nang ka Friendster, ka Facebook at kung ano ano pang mga kabalbalang pinag gagawa mo tuwing office hours katulad nang pagdownload nang mga kanta sa Limewire para sa iyong mp3. In short sila yung tumutuwid sa baluktot mong pananaw na hindi ka nababayaran nang tama kaya di ka rin nagtatrabaho nang tama.
Masarap magtrabaho kung ang mga kasama mo ay may malasakit sa isat isa, yung buo kayo, matatag at ang problema nang isa ay ramdam nang bawat isa, at ang nais ay isulong pataas ang grupo at hindi kanya kanya lang, isang pamilyang kapuso.
Matagal kong pinangarap ang ganitong work place, yung may malasakit sa bawat isa, yung tiwala nyo sa isat isa na susuportahan ang bawat isa ay matatag, at yun ang nagbibigay sa inyo nang sidhi upang umusad pataas para mahila mo rin sila pataas, yung isang grupo na ang nais ay mapaunlad di lang ang kanilang sarili kundi ang kanilang binuong pamilya sa pamamagitan nang bigkis nang trabaho.
Isipin mo nalang kung ang grupong nasalihan mo ay puro sarili lang nila ang nais na itaas, na sila lang ang gustong mapuri hindi na inaalintana kung may natatapakan sila basta’t ang mahalaga siya ang nakikita at siya ang palaging tama.
Masakit isipin subalit kung minsan hindi maiiwasang may mga taong makasarili, at kapag ang grupo napasukan nang isang taong sarili lamang ang naiisip, nawawala sa tamang landas ang grupo at napapariwara, nagkakanya kanya at nabubuwag ang magandang nasimulan, lalo na kapag ang taong lumihis sa landas ay ang pinakapangulo nito.
Hindi ako nagmamagaling dala na lang siguro ito nang ibat ibang karanasan ko sa trabaho, mula sa pagiging crew cashier nang Jollibee, sa pagiging diskjokey sa radio, ahente nang alak, mula sa mga pagtawag tawag sa callcenter, pagaayos nang mga plano nang bahay na ipinadadala sa japan, sa grocery at ngayon sa hotel naman.
Hindi kalakihan ang hotel na pinapasukan ko ngayon at hindi rin kalakihan ang sinasahod ko, pero Masaya ako dito, dahil may nabuo kaming pamilya, may nanay nanayan ako, meron din akong tataytatayan, meron din akong yaya, meron akong mga tinuturing na mga kapatid, at meron din akong sariling anak anakan higit sa lahat meron akong fairy god mother, at fairy god lola na aking kinukulit, inaaway kung minsan, sinusungitan pero kahit papano kasama na sila sa pamilyang nabuo ko sa trabaho at yun ang mahalaga.
Gaano man kahirap, kakumplikado, at kasintunado ang mga trabaho niyo kung isa kayong pamilya, nagtutulungan, nagkakaisa, at nagkakasundo ay bale wala ito, natatapos sa oras, nagagawa nang tama at higit sa lahat, umaangat ang grupo.
Pero kapag kanya kanya, walang tulungan, wala ding patutunguhan, ang iba tapos na, ang iba napuri na, pero yung iba kinawawa naman, wala din, walang asenso at dito na papasok ang crab mentality, hilahan pababa, turuan kung sinong may kasalanan at agawan nang credit kapag may magandang nagawa.
Kung nagsisimula ka nang magsawa sa trabaho mo, dala na rin nang iba ibang dahilan bakit di mo subukang simulang baguhin ang nakasanayan nyo na? simulan mong bumuo nang isang pamilya, mahirap sa simula, pero makikita rin nilang may magandang patutunguhan ang sinisimulan mo, lahat tayo ay may gustong marating at ang tunay na tagumpay ay mas matamis kapag pinagsasaluhan, na masaya ang lahat dahil alam nila at alam mong kasama mo sila sa pagunlad, hindi yung iniisip nila na nakamit mo ito dahil sumipsip ka lang, inangkin mo ang kanilang mga ginawa at tinapakan mo sila upang ikaw ay makita, mapromote at mabigyan nang parangal.
siya, salamat sa pagbabasa kaibigan... sana saan ka man nagtatrabaho, masaya ka, tulad ko, tulad namin nang binuo naming pamilya.
(...chhhhhiiiiiiingggg.... barya ko yun nahulog... eheheheks.....)
Thursday, May 14, 2009
ang mahiwagang texter...
ang hirap nang buhay ngayon no? at dahil na rin siguro sa kahirapang ito kung bakit ang ilan sa atin napipilitang manloko nang kapwa, at ang ilan naman dahil na rin sa paghahangad na mapabuti ang kanilang kalagayan kung kayat pinapatulan ang mga panloloko nang ilan.
alam ko madami na sa inyo ang nakatangap nang mga mensahe sa text, pati na sa email na kayo ay nagwagi nang isang malaking halaga, mula sa isang institusyon, at kung mejo aang anga ka ay tiyak na imbes na ikaw ang makakuha nang limpak limpak na salapi ay ikaw ang magogoyo at mahuhuthutan nang mga taong mapanlinlang.
Congratulations! Ur,Sim# Had won P480,000 from V-Press.Charity Foundation via Electronic Raffle Draw!Call now Im'Atty:Rex A. Mendez DTI-Permit-No. 8904/2009.
pero alam ko rin na marami sa mga kababayan natin ang nahulog sa ganitong kalokohan, ewan ko ba, sinagot ko naman pero di na nagreply.
Oh my gulay, talaga?... Cge isend mo yung price ko, gawin mo nang load, globe ako ha? okey thanks ... Bye... Mwaaah...
Wednesday, May 13, 2009
spelling, LBC, at ang kabataan
Isa ba itong kaso nang "MISLEADING" na commercial at "NAKAKABOBO" lalo na sa mga kabataan.
Tuesday, May 12, 2009
ang mga awit ni inay
mga musikang mula sa puso at puno nang pagmamahal?
iba iba ang tunog, iba iba ang tyempo!
pero iisa ang ibig ang ikaw ay tumino.
minsan ang awit niya ay puno nang pagmamahal!
minsan naman ang awit niya ay puno nang pangaral!
minsan ay nagagalit at puno nang pagdaramdam!
ngunit ang tanging ibig niya, ikaw ay maging mabuting nilalang!
nakakatuwang alalahanin ang mga awit ni inay!
minsan para lang "RAP" dirediretso walang humpay!
minsan para ding "NOVELTY" may history pang taglay!
minsan para ding "HEAVY DRAMA" may luha pang kasabay!
minsan ang pagawit niya ay para lang "CONCERT"
maraming "AUDIENCE" kasama na friends mo
minsan "SOLO PERFORMANCE" ikaw lang solong solo
minsan may "KA DUET" kasama na tatay mo.
ano man ang tunog, ano man ang tyempo
ang awit ni inay ay hahanap hanapin mo
parang themesong ito nang buhay mo
parang wala ng saysay kapag ito ay naglaho
salamat inay sa awit nang buhay
na iyong inialay para sa aming paglalakbay
na nagsisilbing gabay sa aming buhay
mananatili ito sa aming puso at isipan.
Sunday, May 10, 2009
"YES" or "NO"....
mahilig daw ang mga pinoy sa hula, nakahanap akong magik crystal ball... cge magtanong ka na...
kaya lang dapat ang tanong mo ay answerable lang nang "YES" at saka "NO"...
Saturday, May 9, 2009
ang aking inay..
hindi ko pa nasasabihan nang "I LOVE YOU" ang aking inay, ewan ko ba? dyahi e! nahihiya akong ewan aheheks... parang baduy, parang .... parang.... a ewan basta ayaw lumabas sa bibig ko.. aheheheks... pero alam niyang lab na lab ko silang pareho ni tatay..
Hindi lang kasi kami sanay na nagsasabihan nang mga ganong kaekekan... pero naiingit ako sa mga kaibigan at mga kaaway ko na nakakapagsabi nang "ILOVE YOU" sa kanilang mga ama at ina.
Mabait ang nanay ko, huwag mo nga lang siyang tatarantaduhin dahi talagang bibigwasan ka niya, panlalakihan nang mga mata, at rarapiduhin ka nang salita...... bratatatatatatatattatttt.... walang katapusan hangang mapagod (o hangang maubusan daw nang gasolina ayon kay tatay), tapos may continuation pa yan kinabukasan (sabi nga ni tatay, may gasolina na daw ulit si nanay).... kayat kaming lahat kapag nagsalita siya at nangaral, makinig ka na kung ayaw mong masaktan... eheheks.... (kasama tatay ko dyan... eheheks) wala siyang sinasanto kapag nagagalit, umiwas ka na sa kanyang daraanan kung ayaw mong madamay, may mga kapitbahay kaming kunwari hindi takot sa kanya,pero bahag naman ang buntot kapag hinarap sila ni nanay. Yan ang nanay ko "Amasona, Palaban" lalo na kapag nasa tama siya. sabi nga niya "Ayusin mo kasi buhay mo kung ayaw mong masaktan, kung tarantado ka mas tarantado ako kung ako lolokohin mo" pero kahit papano madaming nakikinig sa kanyang mga opinyon. (dala na rin siguro nang takot aheheheks)....
At ang madalas na habilin nang aking tatay kapag nagaalmusal kami, bago ako umalis nang bahay noon bago pumasok lalo na noong nasa highschool palang ako, "umayos ka rhodey ha, ayaw ko nang makinig nang long playing na sermon pag di ka dumating sa oras.." kukurutin naman siya ni nanay o kaya ay papaluin nang sandok, saka sila magtatawanang dalawa... haaaay, namimiss ko na talaga silang pareho.
Pero dahil sa kanyang "carino brutal" na paglalambing ay nakatapos akong pagaaral, at noong graduate na ako nang college, hindi na siya nagagalit sa akin, sa mga kapatid ko nang sumunod (panganay ako sa lima).. hindi na rin niya ako masyadong hinahanap, at sinusundo kapag nalelate ako nang uwi at napadaan sa mga bahay bahay nang aking mga kaklase. sabi nga niya hindi ko na daw kailangan nang matinding gabay, may diploma na daw akong pwedeng iharap sa buhay at gamitin ko daw yun nang tama o ako ang tatamaan sa kanya...
Iyak siya nang iyak nang magdesisyon akong dito na lamang sa maynila maghanap nang trabaho, matinding sermon ang pabaon sa akin habang pahikbi hikbi niya akong inihatid sa bus terminal. huwag magpupuyat, huwag matututong maglasing, huwag kakain nang wala sa oras, huwag papabayaan ang sarili at madami pang huwag.... habang pangiti ngiti lang ang aking tatay habang nakamasid at isang mahigpit na yakap lang ang pabaon sa akin bago ako sumakay nang bus at parang sinasabing "Pagbutihin mo dun anak, sundin mo ang mga bilin ni nanay!
Pero mas gusto kong magalit si nanay kesa kay tatay. kasi si tatay isang salita lang di mo mapapakingan nang kung ano ano pang sermon, at minsan ka rin lang magpaliwanag, kung naipaliwanag mong mabuti ang kaso mo, okey absuelto ka.. pero kapag tumunog ang kanyang lie detector... (may built in detector ata tatay ko, hindi ako makapagsinungaling sa kanya... eheheks) patay, takbo kay nanay.
haaaaay... sa December pa ulit ako makakabakasyon... at talaga namang gusto kong hilahin ang mga araw para makauwi na..miss ko na silang lahat..
Wednesday, May 6, 2009
Tuesday, May 5, 2009
choices daw o?
nakakapikon pakingan kung minsan dahil alam mo namang wala itong katotohanan, maaring tinamad lang siyang maghanap nang pagpipilian o kaya ay hindi lang kaya nang kanyang mga resources ang mga pagpipilian, pero kung sana at gumawa siya nang paraan at nagisip nang mas matino tino, e di sana hindi niya ngayon ginagawang alibi ang "Wala na kasi akong Choice"....
di ba sarap nilang pagsabihan nang ....ooowwwwsssss?????...... talaga?
Simulan natin sa mga simpleng bagay... sa bahay...
ikaw: pahingi nga pong kape.
nanay mo: ano gusto mo anak, black or with cream...
ikaw: Black nay...
nanay mo: plain or with sugar, mainit o maligamgam lang?
o di ba? sige isa pa... sa tindahan naman...
ikaw: pabili nga pong soft drinks..
tindera: cuk o pipse...
ikaw: coke nalang
tindera: nakabote o nakalata?
ikaw: bote nalang..
tindera: malamig o hindi..
ikaw: malamig po...
tindera: iplastic natin o dito mo na inumin?
ikaw: paki plastic nalang po...
ay susme, diba? nakainis na sa dami nang dadaanan mong pagpipilian bago ka makainom nang coke, yan ba ang walang choice? aheheks...
sa bahay ulet.... ang tatay mo may inuutos...
tatay mo: nak ikuha mo nga akong tubig...
ikaw: mineral o sa gripo...
tatay mo: may mineral ba?
ikaw: malamig o hindi...
tatay mo: softdrinks na nga lang...
ikaw: coke o sprite...
tatay mo: bugbogin nalang kaya kita anak?
aheheks....
Pero bakit nga ba ang ilan sa atin sinasabing wala nang choice? totoo nga bang walang choice? o inisip lang natin na yun na ang pinakamagandang choice pero dahil namali tayo sa pagpili kayat napipilitan nalang tayong sabihin na lang na wala na tayong choice. (hmmmm ... parang labo no?)
ehehekssss...
Monday, May 4, 2009
X-MEN
Showing na rin sa wakas ang X-MEN, pinakakaabangan ko ito at hindi ako nabigo, maganda ang pagkakagawa, maganda ang istorya at higit sa lahat hindi ka lugi sa ibabayad mo sa takilya.
Mahirap ang buhay, pero kailangan mong magrelax parekoy, at ito ay isa sa mga palabas na hinding hindi mo dapat palampasin o kaya ay panghihinayangan ang ibabayad sa takilya.
Well aminin natin kung minsan may mga palabas na talagang gusto mong humiyaw nang "REFUND" kapag natapos na ang palabas, pero ito ang isisiga mo ay "MORE" more practice... eheheks... joke lang..
Syempre kwento ito ni Wolverine, kung paano siya naging tao... aheheks.... ang kanyang lovelife at kung saan niya nakuha ang kanyang pangalan, at kung paanong ang kanyang mga tusok ay tumigas... hehehe...
hay naku, panoorin nyo nalang...
Sunday, May 3, 2009
Ang Aking Pambansang Awit....
Talaga namang isa na namang karangalan ang hatid ni PACMAN para sa bansang Pilipinas, at sa mga mamamayan nito saan ka pa mang dako nang daigdig nanunuluyan bastat may dugong Pinoy at pumusta sa kanya, Masaya!!.
Maliban nalang kung kay Hatton ka pumusta, beh behlat! buti nga eheheks....
Subalit, ngunit, datapwat, bakit?
Napansin mo ba ang inawit ni Martin Nievera?
Mahusay, magaling, walang sablay, walang mali.....
Subalit hindi ito ang aking Pambansang awit.....
Hindi ito ang pinaghirapan nang ating mga ninuno upang buuin, ipaglaban at itatatag kasama nang ating watawat, hindi ito ang awiting pumukaw sa ating damdamin upang ipagmalaki at iwagayway ang bandilang Pilipino.
Nalulungkot ako dahil parang ikinahiya ang ating pambansang awit at iniba ang ayos, ang tempo, at nawala ang puso nito. (may balunbalunan din kaya? atay? bituka at hasang? eheheks) minurder, tinapakan, ikinahiya ang gawang pinoy at ginawang POP. (hindi popsicle, hindi ice candy, POP, yung isa sa mga klase nang tugtug...)
Hindi ako umaayaw sa mga pagbabago, subalit ang Pambansang Awit ay isa sa mga Pinakamahalagang pagkakakilanlan nang ating lipi, na kahit saan ka pa mang dako kapag narinig mo ito ay alam mong galing yan sa bayan mo, ang Pilipinas.....
Subalit, datapwat, ngunit.....
bakit?????......
Friday, May 1, 2009
mayo uno...
Subalit, ngunit, datapwat....
inabot ako nang sangkaterbang rallyista sa may taft at ang aking paglalakbay ay naudlot at naging mas mabilis pa ang maglakad kaysa sa sumakay sa kung ano mang may gulong...
Nawala na tuloy sa isip ko ang dapat sana ay ipapa download kong game at nagpicture taking na lang eheheks...