naranasan mo na bang tumakbo, tumakas at iwan ang mga problemang humahabol sa iyo? ang pansamantalang magkaroon nang katahimikan at dagling kalimutan ang mga responsibilidad na nakaatang sa iyong mga balikat?
nakakapagod diba? takbo ka lang nang takbo, tago ka nang tago, pero mayat maya nandiyan pa rin ang problema nakasunod sa iyo, hindi maiwan, hindi mataguan, parang pusa lang hindi mo mailigaw, basta nalang lilitaw, ayan na naman siya, hindi mo tuloy alam kung saan ka sisilong upang ang hinayupak na problemang yan ay lubayan ka, lumisan nang tuluyan, at maglahong parang bula.
bakit hindi mo nalang kasi harapin, square kayo sa ring? magboxing kayo, bugbugan maghapon magdamag ang unang matumba talo, upang hindi mo na kailangang magtago, at hindi ka na rin niya susundan, lalo na kapag natalo mo siya, isisigaw mo nalang next problem please .. aheheheks...
inom ka nang alak, malilimutan siya sandali, pero kapag wala na si alak, ayan na ulet siya, hindi naman pwedeng bente kuatro oras kang lashing, paktay ka pagnagkataon, wala ka na ngang problema, wala ka na ring buhay, wala din, talo ka, at higit sa lahat wala ka nang magagawa para lutasin ang iyong problema, tapos ayan na si pareng uuod, kakagat na... eeeewwwwww.... haha
kaakibat na natin ang problema, bawat hakbang mo nga kung hindi ka nagiingat may problemang dulot, hindi naman pwedeng for life ka nalang nakatayo diyan, wala kang mararating at higit sa lahat, mangangawit ka sa katatayo mo, e paano kung yung pwesto mo binahayan nang langam, e di pinagkakagat ka, hindi ka pa rin kikilos? ay ewan... engot hehehe
bawat problema may katumbas na solusyon, para lang yang mathematical equation, gamitan mo nang plus, minus, divide at multiply, kung hindi uubra ang isa, gamitan mo nang dalawa o kaya ay higit sa dalawa, kung hindi pa rin lapit ka kay pareng squareroot, tignan lang natin kung hindi matunaw ang problemang yan.
ang problema kasi kapag hinayaan mo lang gagamit din nang mathematical equation yan laban sa iyo, mag aadd yan magpapaplus, e paano pa kapag gumamit nang multiply, e di natabunan ka, pero kapag kumilos ka, ginamitan mo siya nang minus, malamang matumbok mo yung zero e di wala na siyang power kung hindi man at least nabawasan mo naman ang kanyang power to give problems aheheks...
hmmmmm... itutuloy na lang natin mamaya, o kaya bukas, abangan nalangh ang susunod na kabanata..... pagod na ako e ahihihiks.....
8 comments:
grabe napiga ako sa math.
makikitakbo ako .ahehe
cayy Cayy @ di ko rin gusto ang math, numbers at kung ano ano pang kailangang may solution, pero aking napag isip isip sa bawat ikot nang mundo, bawat hakbang nang paa mo dapat may kasamang kalkulasyon, may sinusundan kang numero, at higit sa lahat sa bawat kilos mo ay nagagamit mo ang mga mathematical symbols, kailangan mong mag add nang mga friends, mag subtract nang mga problema at kaaway, magmultiply para lumaki ang kita, at magdevide nang oras para sa trabaho, pamilya at sa sarili para ang equals ay isang buong ikaw....
hindi mo lang halata pero nabubuhay tayo sa gitna nang mathemathecal equation...
you can run but you can never hide?
kung nde kaya nang plus, minus, multiply, or divide... eh gamitan na lang kaya nang cos sin formula... lolz... hayz minsan yeah mas madaling tumakbo at takasan ang problema... funny non i always dream na tumatakbo akoh... as in takbo lang akoh nang takbo at kahit anong tago at takbo koh eh naaabutan akoh nang humahabol saken.. wala naman akong idea kung sino humahabol saken or bakit nya akoh hinahabol...alam koh lang kelangan koh tumakbo... may nakuwentuhan akoh non.. sabi nilah next time i dream about dat eh harapin koh ang humahabol saken... and i think i did... and na-stop na ang panaginip kong 'un... pero d' truth is... i guess... sa mga problema koh sa real life... mdalas koh lang tinatakbuhan... maybe sinasabi lang sakin... na dapat harapin itoh kc nde naman itoh matatakasan... and mga problema.. papabalance lang nang buhay yan... ang dmeng sinabi noh? lolz... ingatz. Godbless! -di
basta ako tatakbo parin...
tatakbo para abutin ang mga pangarap ko..
tatakbo rin pag hinabol ako ng asawa ko...hahaha...meron ba?
nakakapagod din dba. kaya pa ba?ako kakayanin nalang.sana umabot.sana makarating.
salamat po sa pagtakbo, pero mas maganda kung tumigil ka muna at harapin ang mga humahabol sa iyo, i asses ang sitwasyon at kung kaya naman e di tapusin na ang pagtakbo....
pero kung di kaya, e di sige, takbo lang nang takbo, hangang may lupa hehehehehe...
para lang ano yan eh...hmmm what is matter? matter is anything that occupy space and height. tama ba?
What is problem?
well, anything that occupy space and has weight din di ba?
Post a Comment