Thursday, May 14, 2009

ang mahiwagang texter...


ang hirap nang buhay ngayon no? at dahil na rin siguro sa kahirapang ito kung bakit ang ilan sa atin napipilitang manloko nang kapwa, at ang ilan naman dahil na rin sa paghahangad na mapabuti ang kanilang kalagayan kung kayat pinapatulan ang mga panloloko nang ilan.

alam ko madami na sa inyo ang nakatangap nang mga mensahe sa text, pati na sa email na kayo ay nagwagi nang isang malaking halaga, mula sa isang institusyon, at kung mejo aang anga ka ay tiyak na imbes na ikaw ang makakuha nang limpak limpak na salapi ay ikaw ang magogoyo at mahuhuthutan nang mga taong mapanlinlang.
Congratulations! Ur,Sim# Had won P480,000 from V-Press.Charity Foundation via Electronic Raffle Draw!Call now Im'Atty:Rex A. Mendez DTI-Permit-No. 8904/2009.

ito ang isa sa mga kagaguhan nang ating mga kababayan na natangap ko sa text kaninang umaga, natatawa ako at naiinis dahil akala ko kung anong importante yung text dahil may inaantay pa naman talaga akong text from a friend at madidismaya ka talaga.

pero alam ko rin na marami sa mga kababayan natin ang nahulog sa ganitong kalokohan, ewan ko ba, sinagot ko naman pero di na nagreply.
Oh my gulay, talaga?... Cge isend mo yung price ko, gawin mo nang load, globe ako ha? okey thanks ... Bye... Mwaaah...

Aba ang mokong hindi na sumagot? aheheheks....



5 comments:

Lord CM said...

Hehehe :D Nangyari na rin sa barkada ko yan, 1M naman ang prize, text back sya,sabi nya "Deliver mo sa akin ung pera, 100k sa akin tapos 900k sayo na", ayun!!!di na nagreply lolzz

Ang buhay ay parang sine said...

Sa akin usually nangyayari din yan, pero hindi ko na lang iniintindi.

Mga tao talaga oh. Kapwa Pilipino mo na, niloloko ka pa. Paano tayo uunlad niyan?

tonio said...

naku pare kung totoo lang sana yan... malamang mayaman na ako ngayon...dami ko nai-encounter na ganyan

abe mulong caracas said...

may bago pare di ko lang talaga ma grab sa email eh. free lotto naman at nanalo na ko ng tumataginting na...dyandyararan...

$85,000,000

o ano sa palagay mo? sino mas mayaman sa amin pacquiao!?

The Pope said...

Oh My gulay talaga, hahahaha, pa burger ka naman.

Lahat ng mga scams mula text hanggang e-mails ay nagkalat pa rin hehehehe.

Hanggang may maloloko.