Thursday, May 21, 2009

ikaw, ako at isang mathematical equation


ayaw na ayaw ko ang math, kaya nga ako kumuha nang English bilang major sa aking pagaaral kasi puro lang yun subject and predicate, noun at pronoun, at walang kinalaman dito ang addition, subtraction, multiplication at division, lalong lalo nang ayaw kong makasabay sa paglalakbay sina pareng squareroot at pareng pie, lalo na si pareng variance, dahil sakit nang ulo, lagnat, sipon at nose bleed ang inaabot ko sa kanila.


Subalit, ngunit, datapwat....


sa mga hindi maiiwasang kadahilanan napalundag ako sa kumukulong kumunoy nang mga numero sa aking paghahangad na maiangat ang aking propesyon at hangang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaahon mula rito, magaapat taon na rin ako sa mundo nang accounting, pero habang tumatagal parang nalibang na rin ako at hindi ko na inasam na muling umahon pa at lisanin ang kanilang mundo, ewan ko ba? parang may magnet na humila sa akin upang mapalapit sa kanila at tuluyan ko silang niyakap, inalagaan at itinuring na bahagi na nang aking buhay.

noong una pinipilit ko ang sarili kong iwasan sila, na hindi kailan man mainlab sa magulong mundo nang mga numero pero sa bawat galaw ko, unti unti kong nakita kung paanong ang mga numero ang siyang gumagabay sa aking paglalakbay, at napagtanto ko na tayo ay nabubuhay sa gitna nang isang malaki at complikadong mathematical equation, maaring napansin mo na rin, maari ding hindi mo lang binigyan nang tingin pero hindi bat sa bawat galaw mo, maaring gumagamit ka nang addition, subtraction, multiplication at maari ding may division?

kapag naglalakad ka nagdaragdag ka nang milya sa iyong paglalakbay, habang nagsusubtract ka naman sa oras na iyo pang ilalagi sa mundo, nagmumultiply ka sa pamamagitan nang pagkakaroon nang mga supling at gumagamit ka nang division upang mapagkasya ang oras mo sa trabaho, pamilya, kaibigan at para sa iyong sarili, pero habang ginagawa mo ito ay naapektuhan rin ang buhay nang ibat ibang taong nakapaligid sa iyo.

kasama ako sa nagsasabing mahirap unawain ang mathematics, pero kapag itoy iyong niyakap at isinapuso ay makikita mong hindi ito mahirap intindihin, at lalong hindi siya mahirap gamitin sa araw araw nating paglalakbay.

hindi ko man lubusang maipaintindi sa inyo kung ano ang ibig kong sabihin subalit magmasid ka kaibigan at makikita mong ang mathematics ay ginagamit natin sa araw araw, hindi lang natin napapansin, hindi lang binibigyang halaga, pero ikaw ay kasama ko sa isang higante at kumplikadong mathematical equation at bawat kilos mo ay may epekto rin sa akin, at sa mga taong mas malapit pa sa iyo.

hmmmmm... did i make sense? aheheheks...



2 comments:

Gi-Ann said...

sabi kasi ng mga accounting professors, di naman daw Math yung accounting.. di nga? di nman ako naghurimintado sa pag react. pero alam ko namang ganun at ganun din kahit na nga ba si debit at si credit ang kausap mo.

haaay..kakarelate naman toh!

aaminin kong mas magaan ang buhay pag may CALCULATOR.ahhehe.

ako yata walang sense ngayun =)

Rhodey said...

ganon? hahaha ewan ko ba, basta ang alam ko kapag nay numero tapos ginagamitan nang plus, minus, times, at divide tapos may equals sa dulo, math yun....

nanlilito sila e hahahaha....