Monday, May 25, 2009

paano kaya?...hmmmm...

naranasan mo na bang nagsasalitang magisa? kinakausap ang sarili? o kaya ay ang mga bagay bagay na nasa paligid mo?

kapag nagcocomputer ka at mabagal ang connection, di mo ba mapigilan ang sarili mong kausapin ang computer mo, murahin o kaya ay magmakaawa upang bilisan nito ang pag download? kapag di mo mabuksan ang pinto, ano ba ang ginagawa mo? kinakausap mo pa rin ba? ang sapatos mo kapag di mo makita sinisigawan mo ba at tinatanong kung nasaan na siya? na pwede bang magpakita na siya at malelate ka na? ang susi mo kapag di mo mahanap, ano ang ginagawa mo?

hindi ko rin maintindihan pero alam mo namang hindi sasagot ang mga iyon pero kung kausapin mo sila ganun ganun nalang, kung minsan punong puno nang pagmamahal, minsan naman punong puno nang galit, kung ibalibag mo nga sila ganun ganun nga lang din, kung minsan at nangigigil ka di ba kung lapirutin mo sila, yakapin ay halos magkadurog durog na sila?

nakakatuwa ano? alam mong di ka naman sasagutin pero bakit kailangan mo pa silang kausapin? pumasok na ba sa isip mo paano nalang kung bigla silang sumagot? may matatakbuhan ka ba? e kung sa kakalapirot mo sa pangigigil mo diyan sa laruan mong teddy bear biglang umaray, may malulundagan ka ba? yung sapatos mo sa kababalibag at biglang nagreklamo may mapagtataguan ka kaya? yung mga susi kung biglang sumagot at sisishin ka sa pagiging burara mo, may matatakbuhan ka ba? hmmmmmm.....

e pano nalang kung habang binabasa mo to may sumitsit sa likod mo lilingon ka kaya?....

aheheks.... joke lang po....

pssssttt..... hahaha

6 comments:

poging (ilo)CANO said...

lilingon ako kasi may sumisitsit eh..baka magbibigay pa ng pera eh...sayang db?..heehe

Hari ng sablay said...

waaaahhhhh waaag naman sana. waaahhhh nanginig ako dun ah,sbihin mo na lahat wag lang multo,nyayysss...

2ngaw said...

Malamang boss mo yun nasa likod mo lolzz terminate ka nang di oras hehehe

atribidang mayora said...

lagot ka, ayan kinakausap mo daw kz ang kawalan... wag kang lumingon, mumu yun! hahaha

Gi-Ann said...

Buti di ako natakot..haha
ay may tama ka talaga..ginagawa ko talaga yun..
was even thinking na baka susunod nyeto eh mabaliw na ko..
pero cathartic lang ba yun?ahehe..

normal lang namn siguro minsan.
:) pero naiisip ko rin na baka hindi.

ano ba talaga?

Rhodey said...

hehehe madaming salamat sa mga nabaliw...

Pogi@ alam mong walang tao sa likod mo tapos biglang may psssssttt.... lilingon ka? ahihiks... ewan... haha

hari@ haha ngayon ko lang nalaman matatakkutin ka pala? hahaha


Lord@ wala si boss naka leave aheheks...

atribida@ nangyari a ba sa iyo? hahaha

Gi-ann@ ginagawa ko talaga ito, lalo na sa computer, kinakausap ko talaga yan lalo na kapag gumagawa ako nang reports at di ko mahagilap kung saan ako nagkamali, tinanong ko din ibang kasama ko sa accounting ganon din daw sila hahaha.. ewan ko ba kung normal ba ang makipagusap sa inanimate, pero kung madami tayong gumagawa nito, siguro nga normal... wag lang silang sumagot at malayo sigurado mararating ko ahihihiks....