Saturday, May 9, 2009

ang aking inay..


hindi ko pa nasasabihan nang "I LOVE YOU" ang aking inay, ewan ko ba? dyahi e! nahihiya akong ewan aheheks... parang baduy, parang .... parang.... a ewan basta ayaw lumabas sa bibig ko.. aheheheks... pero alam niyang lab na lab ko silang pareho ni tatay..

Hindi lang kasi kami sanay na nagsasabihan nang mga ganong kaekekan... pero naiingit ako sa mga kaibigan at mga kaaway ko na nakakapagsabi nang "ILOVE YOU" sa kanilang mga ama at ina.

Mabait ang nanay ko, huwag mo nga lang siyang tatarantaduhin dahi talagang bibigwasan ka niya, panlalakihan nang mga mata, at rarapiduhin ka nang salita...... bratatatatatatatattatttt.... walang katapusan hangang mapagod (o hangang maubusan daw nang gasolina ayon kay tatay), tapos may continuation pa yan kinabukasan (sabi nga ni tatay, may gasolina na daw ulit si nanay).... kayat kaming lahat kapag nagsalita siya at nangaral, makinig ka na kung ayaw mong masaktan... eheheks.... (kasama tatay ko dyan... eheheks) wala siyang sinasanto kapag nagagalit, umiwas ka na sa kanyang daraanan kung ayaw mong madamay, may mga kapitbahay kaming kunwari hindi takot sa kanya,pero bahag naman ang buntot kapag hinarap sila ni nanay. Yan ang nanay ko "Amasona, Palaban" lalo na kapag nasa tama siya. sabi nga niya "Ayusin mo kasi buhay mo kung ayaw mong masaktan, kung tarantado ka mas tarantado ako kung ako lolokohin mo" pero kahit papano madaming nakikinig sa kanyang mga opinyon. (dala na rin siguro nang takot aheheheks)....

At ang madalas na habilin nang aking tatay kapag nagaalmusal kami, bago ako umalis nang bahay noon bago pumasok lalo na noong nasa highschool palang ako, "umayos ka rhodey ha, ayaw ko nang makinig nang long playing na sermon pag di ka dumating sa oras.." kukurutin naman siya ni nanay o kaya ay papaluin nang sandok, saka sila magtatawanang dalawa... haaaay, namimiss ko na talaga silang pareho.

Pero dahil sa kanyang "carino brutal" na paglalambing ay nakatapos akong pagaaral, at noong graduate na ako nang college, hindi na siya nagagalit sa akin, sa mga kapatid ko nang sumunod (panganay ako sa lima).. hindi na rin niya ako masyadong hinahanap, at sinusundo kapag nalelate ako nang uwi at napadaan sa mga bahay bahay nang aking mga kaklase. sabi nga niya hindi ko na daw kailangan nang matinding gabay, may diploma na daw akong pwedeng iharap sa buhay at gamitin ko daw yun nang tama o ako ang tatamaan sa kanya...

Iyak siya nang iyak nang magdesisyon akong dito na lamang sa maynila maghanap nang trabaho, matinding sermon ang pabaon sa akin habang pahikbi hikbi niya akong inihatid sa bus terminal. huwag magpupuyat, huwag matututong maglasing, huwag kakain nang wala sa oras, huwag papabayaan ang sarili at madami pang huwag.... habang pangiti ngiti lang ang aking tatay habang nakamasid at isang mahigpit na yakap lang ang pabaon sa akin bago ako sumakay nang bus at parang sinasabing "Pagbutihin mo dun anak, sundin mo ang mga bilin ni nanay!

Pero mas gusto kong magalit si nanay kesa kay tatay. kasi si tatay isang salita lang di mo mapapakingan nang kung ano ano pang sermon, at minsan ka rin lang magpaliwanag, kung naipaliwanag mong mabuti ang kaso mo, okey absuelto ka.. pero kapag tumunog ang kanyang lie detector... (may built in detector ata tatay ko, hindi ako makapagsinungaling sa kanya... eheheks) patay, takbo kay nanay.

haaaaay... sa December pa ulit ako makakabakasyon... at talaga namang gusto kong hilahin ang mga araw para makauwi na..miss ko na silang lahat..

4 comments:

Hari ng sablay said...

parang kinalibutan ako nung mgpaalam ka sa mama mo, prang naiiyak akong ewan dahil sa mga habilin niya,nkarelate lang siguro...

iba pa rin tlga magmahal ang isang ina...

hapi mothers day 2ur mom...

The Pope said...

All mothers have different personalities, but they have two things in common, love and compassion sa family. Their unending dedication sa family.

Happy Mother's Day to your Mom.

Randy Santiago said...

HIndi maikakailang mahal ka ng nanay mo. At ng tatay mo. Huwag mo silang bibiguin. At paiiyakin. Gagawin nila ang lahat, isasakripisyo nila ang lahat, mapabuti lang ang kanilang anak.

(Nagtataka ako sa mga nanay na nagtatapon ng anak sa basurahan. O nagbebenta ng sanggol pagkapanganak. Tamaan sila ng kidlat!)

Happy Mother's Day sa Iyong mahal na INa! At happy Father's Day (in advance) sa iyong AMA!

Rhodey said...

hari@ oo nga e, pagdating pa dito sa maynila, lahat na yata nang kamaganak namin na alam niyang nasa maynila, tinawagan at hinabilin ako, ay susme... haha...

pope@ salamat po... sobra, miss ko na nga sila lahat e, kakainis, dito lang naman ako sa Pinas, di pa ako makabasyon dahil sa trabaho, kaya lang ganun talaga e, pag wala ding trabaho, mas mahirap, tiis tiis lang naman kailangan..

mike@ waaaahhhhh... naiiyak naman ako...

salamat po sa inyo...