Wednesday, May 20, 2009
balik tanaw lang....
nang dahil sa payless na yan, napaisip ako, napatigil, may naalala, nag "emo mode"....
noong panahong nasa school palang, noong ang allowance ay pinagkakasya lang para sa isang lingo, at siyempre kapag dumating na ang miyerkules mejo kulang na ang pera at dapat ka pang magtira nang pamasahe para makauwi sa sabado upang makabakasyon pansamantala at makakuha na ulit nang allowance para next week.
hindi kami mayaman mayabang lang talaga ako aheheheks.... at ang allowance ko lang noon ay Five hundred pesos kasama na doon ang thirty pesos na pamasahe para sa dalawat kalahating oras na biyahe mula sa aming barrio. Hangang saan nga naman aabot ang four hundred seventy sa dami nang projects, ipapaxerox, pangmeryenda, pangkain at pang date, tapos dapat ka pang magtira nang thirty pesos para makauwi ulit o maghahanap ka nang mauutangan sa biyernes upang makauwi, at kadalasan yung huli ang ginagawa ko tapos dapat sa lunes bayad ka kung hindi hindi ka na makakaulit. hehehe.
Three fity lang ang payless noon at kuatro pesos naman kapag pancit canton, tapos ang itlog ay three fity din, talagang naalala ko yan kasi yan ang palagi kong pagkain, sa umaga, tanghali at hapunan, iba iba nga lang ang flavor, at kapag itlog naman, dapat scrambled na prito at dapat malaki ang pagpriprituhan para malaki ang spread para mahati mo, para may ulam ka pa mamayang tanghali. haaaaay, buhay estudyante nga naman.
nakakatuwang magbalik tanaw, ang isipin kung paano ka nakasurvive, at balikan ang ibat ibang putahe nang payless na ihinain mo, o kaya ay pancit canton na nilagyan nang kung ano anong sahog na gulay tapos isang kalderong kanin ang kasabay, solb na ang gutom mo.
mapalad yung ibang mga kaibigan natin na hindi na kailangang magtipid para lang makapagaral, pero dahil na rin sa mga bagay yun kaya ako nagpursige, nagaral nang mabuti, upang hindi na muling maulit ang mga yun sa aking magiging mga supling, haaaay, sana nga lang maapreciate nila ang mga pagsusumikap ko ngayon para sa ikabubuti nila... aheheheks... achuchuchu.. haha..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
wow emo? lols! eh kasi naman bakit kasama sa budget ang date. dapat babae ang may sagot. lols! pero sulit naman yan bro kaya ayos lang. dapat tong post nato pabasa mo sa anak mo kung kaya na magbasa o kaya ikwento mo. hindi naman sa pangkonsensya kundi para maintindihan nila na nakakasawa ang payless (laos nato eh) at ang itlog na palit-palit lang ang luto.
Nanlamig ako at tumaas ang balahibo ko sa batok.
Di kaya maranasan ko rin yan?
Magaaral kang malayo sa pamilya.
mygas!baka araw arae payless ako.
naubutan ko rin yan 3.50 na payless....hindi pa uso nun lucky me...hehehe
pero ngayon iba na payless..u payless u eat less..lolz..
basta may kanin... ayos nah... anythin' w/ rice... naalala koh lang.. one of my cousins... nagutom syah.. walang ulam.. so ginawa nyah... milo plus rice... oh devah... ayos nah... naka-survive na syah.... naalala koh ren noon... sobrang kuripot kc tatay koh eh... parang ayaw na magpakain... parang 'ung budget eh pamasahe lang... lolz.. ingatz lagi... salamat sa pagdalaw...Godbless! -di
nakakatuwa lang magbalik tanaw, hahaha
marlon@ amoy pa nga lang ngayon nang mga noodles na yan e parang babaliktad na sikmura ko, masyado akong nasawa sa payless hahaha...
cayy@ share ko lang yung experience ko noon as a student, if mangyari man sa yo ang ganun na puro payless araw araw e di isipin mong hindi ka nagiisa and nakaya nila why not you? diba? pero kung mas magiging mapalad ka at sa resto ka kumakain, e di mas lalo mong pagbutihan ibig sabihin non pinaghandaan yan nang iyong mga magulang and hindi dapat sinasayang ang pera... (hehehe parang tunay na tatay na ako hahaha)
Pogi@ madami ka nang choices, hehehehe
Dhianz@ haha nadala ka rin sa pagbabalik tanaw? hehehe
salamat sa lahat nang nakibasa, nagbabalik tanaw lang po hehehehe
Kami nga nagnanakaw pa ng itlog sa supermarket may mahapunan lang eh, kulit kasi ng tropa inubos ang pera sa inum, wala na tuloy pangkain lolzz
Kahanga-hanga ka naman bro. Dahil sa pagsusumikap mo alam kong ayaw mong mararanasan ng mga anak mo ang kumain ng payless..Anong year ba yon at bakit 3.50 pa ang egg?hehe Talagang ganun ang buhay estudyante. Hindi ako mahilig sa noodles kaya noong akoy estudyante pa sardinas + itlog sa umaga, tanghali at gabi..haha totoo yan..
Post a Comment