Friday, May 29, 2009

Pira Pirasong Langit

minsan napakasarap tumingala sa langit at pagmasdan ang paiba ibang hugis nang mga ulap na naglalakbay sa bughaw na kalawakan, para lang mga kumpol nang mga pangarap na nabubuo, lumalago, na parang hinahanap ang tamang lugar sa kalangitan upang makita, mapansin at mapagmasdan nang lahat.

Subalit sa kanilang paglalakbay hindi maitatatwang may mga ibang pangarap na nawawala na lang, naglalaho, nagkakapiraso, at nawawalan nang buhay, habang ang ilan naman ay patuloy na lumalago, nabubuo hangang maging isang kumpol nang tubig sa langit na nagsisilbing biyaya sa lupa bilang ulan na nagbibigay buhay.

Subalit hindi lahat nang mga nabuong pangarap ay nagbibigay nang panibagong buhay at pagasa, meron ding nagiging mapaminsala at minsan kumikitil din sa mga pangarap nang iba.

ang kapirasong langit na nasa mga kamay mo, para saan ba ito? upang makapagbigay nang panibagong pagasa katulad nang ulan o upang kumitil nang mga pangarap tulad nang unos?...

5 comments:

Hari ng sablay said...

ito ba title ng next movie mo?sino leading lady mo dito pre?

poging (ilo)CANO said...

pagdidikitin ko yan pre!.....

Rhodey said...

hari@ naghahanap pa ako nang magaling na director pare, ako ang magproproduce, may story line na actors na lang ang kulang...

pogi@ di na pwedeng pagdikit dikitin pare, ubus na yung mayti band, nahulog ko kasi kahapon yung langit, nagkapirapiraso tuloy, gagawan na lang nang movie para di mapansing nabasag nga hehehehe...

adddeeeeekkkk.... hehehehe

0 said...

Parang poster ng pelikula. :)

Rhodey said...

hehehehe ....

wala lang natawa lang...

aheheks...