may bago na namang paguusapan, sa radyo, sa tv, sa kanto, sa gilid nang kalye, sa mga tambayan, sa tindahan ni Aling Nena, at kung saaan saan pa. Higit sa lahat sa mga pahina nang ating mga KaBlag.
Talaga namang isa na namang karangalan ang hatid ni PACMAN para sa bansang Pilipinas, at sa mga mamamayan nito saan ka pa mang dako nang daigdig nanunuluyan bastat may dugong Pinoy at pumusta sa kanya, Masaya!!.
Maliban nalang kung kay Hatton ka pumusta, beh behlat! buti nga eheheks....
Subalit, ngunit, datapwat, bakit?
Napansin mo ba ang inawit ni Martin Nievera?
Mahusay, magaling, walang sablay, walang mali.....
Subalit hindi ito ang aking Pambansang awit.....
Hindi ito ang pinaghirapan nang ating mga ninuno upang buuin, ipaglaban at itatatag kasama nang ating watawat, hindi ito ang awiting pumukaw sa ating damdamin upang ipagmalaki at iwagayway ang bandilang Pilipino.
Nalulungkot ako dahil parang ikinahiya ang ating pambansang awit at iniba ang ayos, ang tempo, at nawala ang puso nito. (may balunbalunan din kaya? atay? bituka at hasang? eheheks) minurder, tinapakan, ikinahiya ang gawang pinoy at ginawang POP. (hindi popsicle, hindi ice candy, POP, yung isa sa mga klase nang tugtug...)
Hindi ako umaayaw sa mga pagbabago, subalit ang Pambansang Awit ay isa sa mga Pinakamahalagang pagkakakilanlan nang ating lipi, na kahit saan ka pa mang dako kapag narinig mo ito ay alam mong galing yan sa bayan mo, ang Pilipinas.....
Subalit, datapwat, ngunit.....
bakit?????......
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Ganun ba? di ko pa kasi napanood eh, pero kung sakali man nakakapanghina naman un na marinig mo ang pambansang awit sa kakaibang tempo...
haha...tungkol sa tigyawat blog ko ngaun eh xD lol.
personal opinion ko lang naman ito, cguro madami sa inyo nagustuhan yun pero alam ko tulad ko, meron ding umayaw...
anut ano pa man, e palitan nalang nang kuro kuro...
aheheks...
Post a Comment