gusto ko lang sanang malaman ang inyong mga kuro kuro patungkol sa commercial na ito. Ito ay dulot na rin sa pagkabahala nang aking kaibigan at kasamahan sa trabaho si Ate Elaine, isa siyang ina na may 6 years old na anak na papasok palang sa kinder ngayong pasukan, at hindi daw niya malaman kung paano iexplain sa kanyang anak kung bakit at paanong naging "MALI" ang spelling nang "REMITTANCE" na "LBC" dahil "TAMA" daw sabi ni "EDU" .
Isa ba itong kaso nang "MISLEADING" na commercial at "NAKAKABOBO" lalo na sa mga kabataan.
Wednesday, May 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Isa sa mga bagay na malake ang epekto sa mga bata ay ang commercial sa tv, kaya dapat habang nanunuod ang bata ay may kasama itong nakakatanda para itama kung ano man ang mali sa mga napapanuod nila...
Maaring ipaliwanag na itoy commercial lang at posibleng walang katotohanan...
Ang mahirap lang, nagkakaruon tuloy ng duda ang mga bata kung tutuo ba o hindi ang paliwanag ng mas nakakatanda...
kalokohan naman itong komersiyal na to dapat bi-nan ito,hehe eh kasi ang mga bata kung anu nrinig o nkita siya agad paniniwalaan.
katunayan lang ito na hindi lahat ng makikita o naririnig sa tv ay totoo...
Aba, parekoy, parehas nga tayo ng Kuro-kuro diyan.
Tama, nakakaasar yung commercial nung LBC. Kasi naman, yung mga hindi nakakaintindi, oh hindi na nakakagets ng commercial na iyon, lalu na yung mga kabataan na hindi pa nag-aaral, ay talagang mabobobo dun.
Hay naku, dapat ibang strategy na lang yung ginawa nung LBC.
I find this commercial very disturbing. It is misleading sa mga bata, I wonder how it pass the media classification board.
Post a Comment