Tuesday, May 5, 2009

choices daw o?

napansin mo na ba? masyadong madaming choices sa buhay... at nakakainis kapag nakarinig ka nang mga rason na nagsasabing wala na daw siyang ibang choice kaya yun ang kanyang ginawa...

nakakapikon pakingan kung minsan dahil alam mo namang wala itong katotohanan, maaring tinamad lang siyang maghanap nang pagpipilian o kaya ay hindi lang kaya nang kanyang mga resources ang mga pagpipilian, pero kung sana at gumawa siya nang paraan at nagisip nang mas matino tino, e di sana hindi niya ngayon ginagawang alibi ang "Wala na kasi akong Choice"....

di ba sarap nilang pagsabihan nang ....ooowwwwsssss?????...... talaga?

Simulan natin sa mga simpleng bagay... sa bahay...

ikaw: pahingi nga pong kape.

nanay mo: ano gusto mo anak, black or with cream...

ikaw: Black nay...

nanay mo: plain or with sugar, mainit o maligamgam lang?

o di ba? sige isa pa... sa tindahan naman...

ikaw: pabili nga pong soft drinks..

tindera: cuk o pipse...

ikaw: coke nalang

tindera: nakabote o nakalata?

ikaw: bote nalang..

tindera: malamig o hindi..

ikaw: malamig po...

tindera: iplastic natin o dito mo na inumin?

ikaw: paki plastic nalang po...

ay susme, diba? nakainis na sa dami nang dadaanan mong pagpipilian bago ka makainom nang coke, yan ba ang walang choice? aheheks...

sa bahay ulet.... ang tatay mo may inuutos...

tatay mo: nak ikuha mo nga akong tubig...

ikaw: mineral o sa gripo...

tatay mo: may mineral ba?

ikaw: malamig o hindi...

tatay mo: softdrinks na nga lang...

ikaw: coke o sprite...

tatay mo: bugbogin nalang kaya kita anak?

aheheks....

Pero bakit nga ba ang ilan sa atin sinasabing wala nang choice? totoo nga bang walang choice? o inisip lang natin na yun na ang pinakamagandang choice pero dahil namali tayo sa pagpili kayat napipilitan nalang tayong sabihin na lang na wala na tayong choice. (hmmmm ... parang labo no?)

ehehekssss...

8 comments:

Anonymous said...

oo nga nman!
may choice akong di mgcomment dito pero ngcomment pa rin ako kasi wla akong choice eh..ano daw?haha!

Rhodey said...

aheheks ganon? luka luka.... sabagay tama ka dyan, dapat ka talagang magcomment dito... hahaha

poging (ilo)CANO said...

no choice kaya dito na lng ako tumambling para tago..lolz..

Anonymous said...

DI KO RIN MAGETS KUNG BAKIT MINSAN EH SINASABI NATING WALANG CHOICE. EH ANDAMI NAMANG PAGPIPILIAN. PERO SYEMPRE ANG PINAKA THE BEST NA CHOICE EH TO DO WHAT'S RIGHT.

mingkoy said...

Oo naman. laging may choice. sa isang mahirap at hikahos na pamilya na bibili ng isang latang sardinas at instant noodles sa tindahan para may mapagsaluhan:

tindera: sardinas po? anong kulay? red or green? (sardinas pa rin)..... noodles? beef o chicken? (instant noodles pa rin).

wow.

may pagpipilian pa rin talaga ano?

pero sa totoo lang ang iniisip nung mahirap at hikahos na pamilya ay "kahit ano... may makain lang"

There is always choice. But it's only limited.
But the best choice is leydis choice. (Gutom na ko eh)

Wala. Naisip ko lang. Wala akong choice eh. Pero meron din. ha? gulo ah.

Cheers!

Mingkoy.

Anonymous said...

luko luko! haha!

Hari ng sablay said...

pero ang pnkamagandang choice, ay ladies choice. amp. corny. tawa naman dyan. hirap pilitin noh. d ko na po uulitin un. corny talga

Rhodey said...

salamat po sa mga palaman aheheks...

meron man o wala kang choice ang mahalaga ay meron kang ginawa. mali man o tama ang napili mo kung may mapagpipilian e okey na yun, kesa naman tumunganga ka na lang dyan and did nothing to improve or destroy the situation... aheheks...

siya, kuha lang akong pandesal... kainan na..

tapos iluto natin yung mami at pancit canton ni Mingkoy...

tapos pili ka ulit, kakain o hindi ka kakain...

o diba? san ka pa? eheheks...