pagkatapos mong kausapin, ibalibag at pangigilan ang iyong mga gamit, ngayon naman kapag ikaw ay nagiisa, may mga pagkakataon bang bigla ka nalang nangingiti? o kaya ay bigla na lamang tatawa nang malakas na bubulahaw sa iyong katabi na bigla ring magtatanong "hoy, anong nangyayari sa iyo?" o kaya ay nakatanaw ka sa malayo, nakatulala, parang wala sa sarili, tapos bigla ka nalang tatanungin nang mga kasama mo sa trabaho "Nakainom ka na ba nang gamot mo?" o kaya ay "tatawag na ba ako nang amulansiya para maihatid ka na sa mental para maagapan yan?"
nakakainis no? sentisentihan ka, tapos bubulabugin ka lang nang mga hinayupak na walang mga magawa, kung bakit naman kasi kapag nagiisa ka, masarap magiisip at alalahanin ang mga masasayang moments niyo nang iyong labidu, o kaya mga kulitan, harutan at ang mga walang kwentang jokes nang iyong mga kaibigan na hindi naman nakakatawa noon pero ngayon kung kelan ka nagiisa saka ka naman natatawa, hmmmm... may pagka slow ka? ... aheheheks..
kailangan ba talagang kapag may naalala ka, kasama pa rin ba dapat ang mga emosyong nadama mo nang ang pangyayaring iyon ay naganap? hindi ba pwedeng "I remember the scene but i dont remember the feelings anymore?" aheheheks... kanta ata yun?
pero kapag tinangal mo ang mga emosyong nakapaloob dito ano pa nga ba ang silbi para alalahanin mo ang nakalipas? bakit ba kasi kailangang magreminisce? bakit kailangang alalahanin pa ang mga nangyari na? ano pa nga ba ang mga rason bakit binabalikbalikan mo pa rin ang isang alalaala na lang?
ito ba ay para magsilbing alaala nang iyong mga pagkakamali upang matuto sa mga susunod na mangyari ulit ito? para katukin ang puso mo at ipaalalang nangyari na ito, ayaw mo nang mangyari pa ulit, o maramdamang pagkalipas nang lahat nang nangyari ay maramdaman mong tao ka pa rin, may puso at damdaming nakakaramdam pa rin nang sakit, saya, nakakaluha at nakakatawa pa rin, o kaya ay paalalahanan mo ang iyong sarili na pagkatapos nang lahat heto ka pa rin nakatayo, lumalaban, mas masaya, o mas malungkot kesa sa dati? na nakalugmok pa rin at di pa nakakamove on?
ito ba ay para magsilbing alaala nang iyong mga pagkakamali upang matuto sa mga susunod na mangyari ulit ito? para katukin ang puso mo at ipaalalang nangyari na ito, ayaw mo nang mangyari pa ulit, o maramdamang pagkalipas nang lahat nang nangyari ay maramdaman mong tao ka pa rin, may puso at damdaming nakakaramdam pa rin nang sakit, saya, nakakaluha at nakakatawa pa rin, o kaya ay paalalahanan mo ang iyong sarili na pagkatapos nang lahat heto ka pa rin nakatayo, lumalaban, mas masaya, o mas malungkot kesa sa dati? na nakalugmok pa rin at di pa nakakamove on?
hindi naman pwedeng tumatawa habang lumuluha para sana balanse, may ngiti, may luha, may ambulansiya nang naghihintay sa iyong paglabas ahehehe....
masarap magbalik tanaw kapag ito ay nagbibigay sa iyo nang lakas upang lumaban, tumayo at maglakbay ulit, subalit kung sa iyong paglingon ay mas malulugmok ka sa iyong kinalalagyan ay dapat mo na siguro itong kalimutan, iwaksi sa iyong isipan at pulutin ang aral na pwede nitong ibigay sa iyo, lumakad pasulong, at hayaang lamunin nang kahapon ang pait na dala nang nakaraan.
ngunit paano?...
10 comments:
ay ay! emo kaya. pwede ba naman kasing maalala mo lang ng walang halong emosyon? wooow. Robot lang yata yun eh.Kung di ka si asimo nagagalaw mo utak mo ng may Emowwtion.
O baka ako lang yun ?
remember the scene but i dont remember the feelings anymore?..tsk tsk.
*palakpak*
------------ p.s maganda ang kuha nung photo.
sunset lover ata to ah.
ako din mahilig mgreminisce.minsan mlungkot minsan masaya.pro kdalasan mlungkot lalu na pg mag-isa.
*hindi ako naluluha ah sinong may may may sabing....uwwaahhh huhuhuhu*
tama nga naman move on ika nga.basta lumingon lang at wag ng umurong at bumalik pa..
sana selective ung memories nten..ung mssyang parts lng ung ngreretain..ung mga masakit at panget, ndedelete kaagad.
takte! ang hirap kayang magreminisce kung wlang emosyon na kasama..di ko maimagin...baliw ka na pag ganun..lolz..
sa mga may tinatakasang alaala, masuwerte siguro yung may amnesia,,
Waha, ako din, hobby ko yan. Wait -- bisyo pala. Pero my philosophy goes like this:
Maraming masayang nangyari. Karamihan doon, hindi na mangyayari ulit kaya limingon ka na lang at maging masaya. Kung malungkot naman, learn from it.
Ang mahalaga tol sa mga nakaraan nalalaman natin ang mga pagkakamali ng hindi na magawang muli. Sana pasyal ka din sa hangout
maraming slamat sa mga komento, pero kung tutuusin mas maganda na yung kahit paano may naalala ka, napapaluha ka man, nangingiti o kahit ano pang emosyon ang nakaploob dito ang mahalaga pwede kang magbalik tanaw na hindi blangko ang nakikita... wow heavy ... aheheheks..
Napakasarap talagang balikan ang mga bagay na nagpaligaya sa atin, mga nakaraan na nag-iiwan ng ngiti sa ating mga labi na na nagsilbing inspirasyon sa ating buhay upang marating natin ang ilang tagumpay.
Subalit may mga bagay rin na nagbigay ng kirot sa ating damdamin, mga kabiguan na nagpaluha at naging dahilan rin ng ating pagkagalit - ito ang mga bagay na dapat nagbigay aral sa ating buhay upang iwasto ang mga maling desisyon sa ating buhay... mga bagay na dapat iwaksi sa isiapn sa pagharap ng bagong bukas.
Life is Beautiful.
Sabi nga.. ano man ang nakaraan nakasunod saan man magpunta, kasunod habang nabubuhay.
Post a Comment