Friday, April 3, 2009

Achiever ako e, may problema ka?



Minsan kapag nagtratrabaho ka nang mahusay may mga komento kang maririnig na kesyo nagpapalakas ka lang sa boss nyo kaya ginagawa mo on time ang iyong mga reports para mapansin ka nang head.

Nakakainis ano? Bakit, ano bang pakialam nila? E sino ba ang nahihirapan kapag puro rush ang reports mo? Di ba kadalasan nga kapag rush walang laman, maraming flaws, at maraming mali, at kapag madaming mali, pinapaulit na, may kasama pang sabon, mabuti sana kung may banlaw, e pano kung ikinula ka pa, e di namuti mga mata mo?

Sino ba ang apektado? diba ikaw din? Paano nalang ang performance rating mo? Tapos in the end iiyak iyak ka, magsisisi at isipin na sana pinagbuti mo nalang ang trabaho mo para hindi ka natanggal.

Ang hirap kayang maghanap nang trabaho ngayon tapos papabayaan mo nalang nang basta basta? Pano nalang kapag tinanggal ka? E di wala kang kita, walang pera, tambay ka, kawawa ka naman diba?

Kung minsan mahirap makibagay sa mga taong "bobo", yung tipong ang iniintindi ay yung ngayon lang at di man lang maisipang tumingin kahit isang dipa lang mula sa kanilang kinatatayuan, yung mga taong sa bangin na pala papunta ang tinatahak na landas ay patuloy pa rin sa paglalakad.

Hindi ko naman sinasabing "matalino" ako, pero di ba dapat "you plan as you go along the way", dahil kung wala kang plano at pangarap at kuntento ka na kung nasaan ka, e ano nalang ang mangyayari sa iyo? "stagnant" ka na, para ka lang tubig sa "lake", umiikot lang pero walang patutunguhan.

Minsan "common sense" lang paiiralin mo, malayo na ang mararating mo, pero kapag nagbulag bulagan ka at "conceited" ka pa at iniisip na "indispensable" ka, e wala na patay kang bata ka! malamang bukas makalawa good bye ka na sa trabaho mo!

Parang ang galing galing ko no? hehe Pero sa palagay mo, may tama naman talaga ako diba?

Nak nang pusa oo, Ano to awards night? hehehe

1 comment:

2ngaw said...

Just be yourself pre, hanggat alam mong tama ang ginagawa mo at nakakabuti sayo at sa lahat wag mo na isipin ung nakapaligid sayong walang magawa :D