Saturday, May 16, 2009

Confessions of a "Devils Advocate"



Taklesa ako, inaamin ko yan, minsan may mga nasasabi akong mga katotohanan na masakit isipin at tangapin kung sa iyo napatungkol, dahil totoo, sabi nga nila "Truth Hurts", lalo na kapag yung katotohanan na yun ay negative ang dating sa iyo.

Nasanay lang kasi ako sa bahay noong bata pa ako, kung may mali kang nagawa huwag mong ikaila, tangapin mo and " bear the consequences of your actions" sabi nga ni nanay, "Kundi ka ba naman isat kalahating tanga alam mo nang di tama gagawin mo pa". o di ba? Ang lupet ni madir dir ko? hahaha pero tunay, totoo, at sumasangayon ako. (hindi yung isat kalahating tanga ako ha? yung meaning nung sentence nya eheheheks.....) at lagi niya kaming sinasabihan na kapag may nakita kaming hindi tama ay dapat namin itong sabihin dahil baka hindi alam nung taong yun na mali ang kanyang ginagawa para maitama niya, o kaya ay masyadong concieted ang taong yun para alam niyang hindi daw siya kaguapuhan at huwag matatakot dahil kapag katotohanan daw ang iyong sinasabi ay marami kang magiging kakampi, pero yung iba duwag lang daw lumabas pero aayon sila sa mga sinasabi mo, huwag ka lang masyadong OA sa pagdeliver nang speech mo.

Pero sa bandang pagdeliver nang speech ako minsan pumapalya, wala akong grace under pressure, dirediretso lang ako, masaktan ka na wala akong pakialam, tanga ako pero mas tatanga tanga ka pa pala sa akin, sabi ko nga sa aking mga kaibigan "Either you love me or Hate me, Either way I DONT CARE" aheheheks.... o diba? astig nang LOLO niyo.

Minsan madami ang nagsasabing ang sama sama ko daw, pero ang hindi nila alam matagal ko nang alam yun at ang sagot ko nga "Thank you for the compliment" o diba? sopla agad eheheheks....

Alam ko, hindi nakakatuwa, na madami akong nasasaktan, nasasagasaan at madaming may galit sa akin dahil sinabi kong, tatanga tanga kasi siya, kundi ba naman siya isat kalahating tanga alam niyang mali ginawa pa rin niya , na magtrabaho na siya at puro lang siya sipsip sa boss, kung gusto niyang umasenso magtrabaho siya nang tama at huwag angkinin ang pinaghirapan nang mga katrabaho niya, may kasama pang "mura".

Alam ko rin na akala nang madami supladito ako, impaktito, walnghiya, pero hindi nila nakikita ang "Halo" sa aking ulo, ang "puting pakpak" sa likod ko, ang hindi nila alam "ANGHEL" ito no? hindi lang halata kasi naka disguise ako eheheheks....

Pansamantala, "i will keep my mouth shut" ang tanong makakatagal kaya ako? sa dinami dami nang naglalakad na taong plastic, ewan ko nalang eheheks...

Ewan ko ba sa dinami dami nang pwedeng ipamana nang aking ina ang kanyang pagiging matabil pa ang nakuha ko pero masaya ako kapag nakikita kong may nangyayari sa mga taong pinagsabihan ko nang katotohanan, kapag nakita mo na hindi na nila ginagawa yung kanilang mga kinagawian dahil nasabihan silang "Tanga" , "Tamad" , "Plastic", "Manloloko" , "Sipsip" "Ningas kugon" at etc... etc.. ay masaya na rin ako, minsan ang kailangan lang nang ilan sa atin ay matinding yugyug sa balikat upang magising sa katotohanan.

hmmmm... ako kaya? kelan kaya ako mayuyugyog? kelan kaya ako magigising? tama kaya mga pinaggagawa ko?... ay ewan, "Bro, ano sa palagay mo?".... ehehheks....

this is my confession, Confessions of a Devils Advocate....

8 comments:

2ngaw said...

Hehehe :D Okey lang yun brod...pero mas okey kung sa magandang paraan mo sasabihin..masakit nga ang katotohanan, pero wag na nating dagdagan pa ung sakit sa pagsabi ng "tanga"...

Rhodey said...

Lord@ sabagay tama ka, hindi na dapat lagyan pa nang asin ang sugat pero kung paulit ulit naman itong ginagawa e parang dapat di lang isang kilong asin ang ilagay kundi tabunan na siya nang asin hahahaha gawin na siyang tapa... joke lang... aheheheks....

soberfruitcake said...

d tayo pwedeng magharap at sigurado iiyak ako.hehe
isa ako sa mga taong isa't kalahaating tanga kaya ayokong mgkrus ung landas natin.hehe
u don't have to be blunt to send the message across to the person involve. tamang choice of words lang ang sekreto jan.
d sa lahat ng panahon maiintindhan ka ng iba, na gnun ka, na matabil.hehe. kaya as much as possible, itry mo ng 234% na pagisipan muna kung pano ka atake..wala lng.nkekelam na nman ako.hehe

Rhodey said...

soberfruit@ aheheks ewan ko ba? pero i am doing some "SHUT YOUR MOUTH" exercises ngayon hahaha i am also trying not to involve myself in other peoples bussiness as much as possible and as long as they dont touch me.. (wow yabang ko hahaha)

Dala na rin siguro ito nang aking up bringing my mother is some kind of an amasona, always trying to fight for what is truth and right, and i guess she taught me well eheheks...

and tama ka, i should discipline myself at dapat ko ring pagaralan ang proper choice of words...

but on second thought, kapag nakikita ko yung mga pinagsabihan ko dati not doing kung ano yung mga mali nila dati, masaya ako for them most especially some even thank me for doing that, wow!!... and ayan tuloy nalito na ako.... magbabago ba ako o hindi? hahaha parang kailangan ko nang bulaklak at itanong sa mga petals nya hahaha...

thanks for the comments, i really appreciate what you said and with LORDCM too..

Hari ng sablay said...

ok lang yan hindi ka nagiisa marami tayo,hahaha

bilib nga sko sayo ang tapang mong sabihin ang kasamaan mo,haha talagang kasamaan.ung iba nga dyan pakitang tao lang,mpagbalatkayo.

poging (ilo)CANO said...

mas maganda parin pag pranka magsalita para streyt ang tama.....

prangka ako eh...lolzzzz

Anonymous said...

alam mo namang masama ba't ginagawa mo pa?ahehehe..
hindi kasalanan ang maging prangka ka sa kapwa mo pero dapat naman isipin mo rin kung hindi ba ito makakasama sa inyong dalawa.. think twice or even a million times..

pero ang astig mo!

soberfruitcake said...

Lol wag kang mlito pare. Dko nmn cnbi n mli ung gngwa mo kc for the betterment dn nmn un of the person involved. Ansbi ko lng choose the ryt words, the ryt tone of voice, the ryt approach kc ung ibng tao mhina ang loob. Like me. Hehe. Bka mgbreakdown mkkbli k tuloy ng lollipop ng wla sa oras. Hehe. At pantyempuhan mo nmn n anazona dn ung npagsabihan mo in a not so nyc manner, nkuh gulo tlga aabutin nyo. Lam ko hndi k takot pero mas msya ung walng kaaway dba?