Saturday, May 23, 2009

sa aming probinsiya..


alam ko hindi lang ako ang gustong gusto nang makauwi na muli sa probinsiya, ang muling makita ang mga kaibigan at mga kabarkadang kababata, mayakap ang mga mahal sa buhay at muling gawin ang mga bagay bagay na ating kinagawian, ang magpalipad nang sarangola sa kaparangan, maghabulan sa bukid, magkwentuhan sa ilalim nang punong manga, umakyat sa puno nang sinegwelas, manghuli nang tutubi sa parang at kung ano ano pang gustong gusto mo nang balikan at gawing muli upang maramdamang muli ang ligayang dulot nang pagiging bata...

ang sorbetes na inaabangan mo sa hapon, ang habulan ninyo habang naglalaro nang tumbang preso, piko, taguan, sipa, at madami pang iba, at siyempre namimiss mo na rin yung kalaro mo sa bahay bahayan, kumusta na kaya sila?

kakainis kasi itong si mareng Celeste Legaspi, sarap na sarap akong nakikinig sa radyo nang bigla siyang kumanta, nadala tuloy ako, nasaling ang aking pinakatago tagong damdamin para sa aking mga mahal na naiwan sa probisiya, ayan nag "emo mode" tuloy ako...

haaaaaayyyyyyy......

11 comments:

Vivian said...

fave ko rin si Ms. Celeste Legaspi...meron siyang sariling tatak sa music industry na hanggang ngayon wala pa ring papalit.

miss ko sa probinsya ang kasimplehan ng buhay, magagandang tanawin at ang tawanan ng mga kaibigan at kapamilya. Masaya!

Rhodey said...

natutuwa lang ako sa dalwang awitin nya, yung sarangola at si mamang sorbetero, nakakapagpaalala sa probinsiya haha... yun lang

Dhianz said...

adik na rhodey nakibasa akoh nang post moh about don sa mathematical equation... naaliw akoh d2 sa quote moh "... nabubuhay sa gitna nang isang malaki at complikadong mathematical equation," true... and u explained naman sa post moh ba't moh nasabi 'un... 'un lang... wala akong makoment na maayos... wehe... teka makibasa sa isah mo pang post... =)

Dhianz said...

hehe... emo mode na yan ha? lolz... hmm... yeah may province ang nanay at tatay koh pero nde akoh lumaki sa province so walah tlgah akong namimiss don... pero sa manila nagagawa koh ren naman noon mag-abang nang ice cream sa hapon... oh.. naalala koh... 'ung fave koh non... binatog... yeah... hinahabol koh pah tlgah 'un... minsan nde koh na magawang suutin ang tsinelas koh mahabol koh lang 'un... at nagawa koh ren naman yang mga larong pambata non... kahit alam koh most of the time eh pinapatulog akoh nang magulang koh sa hapon... pero syempre kapag bata kah matigas ang ulo moh... juz wait for them na makatulog at yonz tumakas kah... lolz... sige.. 'un lang... ingatz. Godbless! -di

0 said...

Masarap nga sa probinsiya. Pero gusto ko pa ring mangibang bansa. XD

At sigurado akong di pa ko tao nung kinanta yang Mamang Sorbetero. XD

Rhodey said...

hi dhianz @ slamat sa pagbisita at pabibigay nang comment ganon na rin sa pag appreciate....

robnuguid14@ haba ha? hehe masarap talaga sa probinsiya kapag magbabakasyon ka, at kahit saan ka pa mapunta kung sa probinsiya ka lumaki hahanap hanapin mo ito at gustong gustong balikan..

hmmm... ewan ko kung pinanganak na ako nang kinanta yan ni mareng celeste hehehe

yun lang aheheheks...

The Pope said...

Hay nakaka-miss naman itong post mo, well ang una kong nami-miss ay ang simpleng buhay sa probinsya, ang amoy ng kabukiran at ang sariwang hangin.

A blessed Sunday to you my friend.

miss Gee said...

lumaki ako sa Maynila. kaya nong minsan akong mag bakasyon sa aming probinsya mga 3 sakay sa lupa at 1 sakay sa himpapawid mula rito, parang ayaw ko ng bumalik pa sa maingay na lungsod!
nakaka miss ang sariwang hangin mula sa hampas ng mga dahon sa kabundukan :)

Anonymous said...

anga ganda song:)nakakaindak. hehe!

manila born ako pero karamihan sa mga kamaganak namin ay nasa probinsya. nakakamiss din lalo na ngayong summer di man ako nakauwi. inggit ako sa bro ko :(

=supergulaman= said...

hindi ako lumaki sa probinsya...pero busog ako sa mga kwento sa mga lugar na iyon mula sa aking ama....

ang totoo nyan, namiss ko ang panadalian kong pagtil sa probinsya sa bohol...ito ang nayon ng aking Grasya....kailan kaya ako makakabalik doon kasama sya...haysss...

Hari ng sablay said...

hay napaisip tuloy ako bigla,ngreminisce lng ng onti, onti lang naman... *aray napuwing ata ako* asus naluha lang niyan haha *hindi. puwing talga*