Saturday, May 30, 2009
pasukan na...
June na pala, ang bilis talaga nang panahon, eto at panahon na naman nang tagulan, at kasabay na naman nang mga patak nang ulan ang makapigil hiningang pagtitipid upang may maipadala sa probinsiya para sa alawans ni beybi damulag sa elementarya, ni jologs na kapatid sa hayskul, at ni munting propesyonal sa kolehiyo.
Tiyak na tiyak na naman ang kita ni LBC, Western Union, at ang hari nang padala sa mga remittance, local man o mapa international. (kuha nalang kaya tayo nang stock share para libre na padala? aheheks)
Sabagay kaya nga tayo nagtatrabaho diba? para mabigyan sila nang mas magandang bukas at ang magandang bukas na iyon ay mararating nila nang mas mabilis kung meron silang sapat na kaalaman, diploma at karunungan na makukuha lamang sa paaralan. (na sobrang mahal... ngiiii...)
hindi pa ako isang ama, isa lang akong kuya na nagnanais ding mabigyan nang diploma ang aking mga kapatid upang makahulagpos rin sila mula sa mahigpit na yakap nang kahirapan.
dahil saan ka man parte nang mundo mapadpad basta meron ka nito, wala kang talo, gamitan mo lang nang konting diskarte, tamang pagiisip, sipag at talino in na in ka na parekoy. (para lang commercial nang alcohol.. aheheks... di lang pampamilya, pang isports pa ahehehe..)
Kaya lang naisip ko lang ito noong graduate na ako, noong nasa mga kamay ko na yung diploma at ginagamit ko na, dahil noong nasa paaralan pa lamang ako, ang pasukan ay hudyat na naman nang lingo lingong allawans, may pang gimik, may pang inom, may pang yosi at may pang outing. ( inang... ito rin kaya nasa isip nila?.. aheheheks)
minsan pa nga kapag kinulang ang bigay na alawans dahil may lakad, magkikita ang tropa, o may date, kupit sa tindahan ni nanay, o kaya ay kunwari may project, kunwari bili nang libro, tapos ipapaxerox lang pala, kunwari bibili nang bagong uniform yun pala ipapa repair yung luma e bi mukha nang bago. ( oyyyy!!! di ko ginawa lahat yan, nakuwento lang sa akin... aheheheks)
kaya nga ako kinakabahan kapag sinasabihan ni nanay yung mga mas bata ko pang kapatid "Tularan niyo kuya niyo". Inang kupo, mapapasubo ata ako pag nagkataon aheheheheks...
ikaw anong kwentong fibisco mo? aheheheks....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Tag ulan nnman uso nanaman ang brownout sa atin, pero kahit tag ulan mas gusto ko pa yan kaysa dito sa kinalalagyan ko nasa freezer lagi.hirap!!
Parekoy penge din ng baon.
ako nung ngaaral...
eskwela-bahay-church
bahay-eskwela-church
ganun lagi, hay...
saludo ako sa gaya mo parekoy, mapagmahal sa pamilya, tuloy mo lang yan tiyak may magandang kapalit yan...
sana ako din padalhan mo kuya, luma na kasi yung shoes ko.. ahehehe
oo nga pasukan na naman kaya eto butas na naman ang bulsa
sana lang mamaya makapulot ako ng pera na walang ID pero maraming pera!
salamat po sa mga kumento...
Jettro @ parekoy kain ka nalang madaming rice bago pumasok para di na kailangan nang baon hehehehe
hari @ anak nang hahaha...
Tonio @ hehehe salamat lolo hehehe
Abe @ sana ako din many mapulot hahaha...
Post a Comment