Tuesday, September 29, 2009

"Nangarap ako noon...."

nangarap lang naman ako noon, na sana pagdating nang panahon ay mabuo ko rin ang aking mga pangarap, na sana matupad ko ang nais nang aking mga magulang, ang magkaroon nang mas mabuting buhay, yung hindi ka nabibilad sa bukid, yung hindi napuputikan, yung nakakin ang mga nais kanin, at yung laging malinis at mabango dahil may magandang uniporme at mamahaling pabango na magagamit sa pagpasok sa isang magandang trabaho araw araw.


kung tutuusin napakasimple lang naman nang aking mga pangarap noon, subalit hindi pala ganoon kadali, hindi pala iyon madaling marating, hindi pala iyon parang isang bagay na maaaring bilhin na kapag nagsawa ka na ay pwede mo nang itapon, itago o kaya ay ipamigay.


Mahirap palang mangarap, at mas mahirap palang abutin ang mga pangarap na iyon lalo na kapag sa pagtagal nang panahon, at sa iyong pagtanda, ang mga simpleng pangarap na ito ay malalaman mo na lamang na hindi na pala para lamang sa “iyo”, kundi para na sa “inyo”.


Iisa lang naman ang pangarap na iyon kung tutuusin, subalit sa pagikot nang panahon ang “Ako” ay unti unting naging “Tayo”, hangang sa maging “Kami”.


Iisang pangarap, subalit sa pagyabong nito ay ang pagdagdag nang mga taong umiikot dito, umaasa, at nagdarasal na sana ay matupad mo ang iyong mga pangarap, dahil sa katuparan nang mga ito ay ang katuparan na rin nang mga pangarap nila.


Noon akala ko, nangangarap ako upang paunlarin lamang ang aking sarili, ang pagbutihin ito at mabuhay nang ayon sa gusto ko, ang makapagipon nang pera upang mabili ang aking mga nais bilhin, ang magkaroon nang magagarbong kasuotan, ang magkaroon nang magarang sasakyan, madaming alahas, at kung ano ano pang pwedeng ipalamuti sa katawan, subalit nagbabago pala ito dahil sa ngayon, hindi na iyon ang aking naiisip, pumapangalawa na lamang ito sa aking listahan o kadalasan panghuli na kung may matira ay pwede na.


Sa ngayon, sa bawat patak nang pawis, sa bawat patak nang pisong pumapasok sa aking bulsa ay kasabay nito ang pagaalala na sana ay umabot ito para sa alawans nang aking mga kapatid na katulad ko noon ay nagsisimulang mangarap ngayon, na nagsisimulang buuin ang kanilang pag asa, na sana sa malapit na hinaharap ay malagpasan rin nila ang hirap nang buhay sa bukid, at pumalaot sa mundo nang buhay na mas nakakaangat sa iba.


Mahirap maging panganay dahil pasan mo sa iyong balikat ang mga responsibilidad na katulad na rin nang isang magulang, lalo na kapag katulad naming wala namang pwedeng ipagyabang, mahirap ang maging kuya dahil ikaw ang nagiging ehemplo sa iyong mga nakakabatang kapatid, mahirap kung iisipin, subalit masaya ako dahil bukal sa aking puso ang pagtangap sa hamon at sa mga responsibilidad na nakaatang sa aking balikat.


Ang aking simpleng pangarap noon ay patuloy na lumalago, unti unting nabubuo, nagkakaroon nang buhay subalit kasabay rin nito ang paglaki nang responsibilidad na nakaatang sa aking balikat, pero kapag tinangap mo pala ito nang buong puso, nang may pagmamahal, pang unawa at lambing, ito ay gumagaan, napapalitan nang ngiti ang bawat ngiwing sumasabay dahil na rin sa dagok nang buhay, at malalaman mo nalang, nandoon ka na, nadoon na kayo, at pwede mo nang ibaba ang dala dala mong responsibilidad dahil kaya na nila, at buo na rin ang mga pangarap na binuo “mo”, “ninyo”, “kayo” at “sila”.


Sabi nga nila ang buhay daw ay parang gulong, paikot ikot lang, nasa ilalim ka man ngayon darating din ang araw na papaibabaw ka, manalig ka lang, at harapin nang may ngiti ang bawat responsibilidad na darating sa iyong buhay at mararamdaman mo ang malaking kaibahan, hindi ako nagyayabang subalit hindi ko maiwasang lumakad nang nakaliyad ang dibdib sa paglalakad.


Marami pang taon ang bubunuin “ko”, “namin” upang tuluyang mabuo ang mga pangarap na sinisimulan namin subalit alam kong hindi ako nagiisa sa pagbuo nang mga pangarap na ito, dahil nakikita ko ang determinasyon, ang pagnanais nang lahat nang aking mga kapatid at magulang na lumaban, at pumaimbabaw sa bawat responsibilidad na darating, sabi nga nila, kayang kaya kung tulong tulong.


Ako ito, ikaw?… kumusta ka kaibigan?…

Sunday, September 20, 2009

puro ka kasi tanong...


Napansin ko lang bakit kaya may mga ibang pasawauy? yung tipong tinatanong mo naman nang maayos pero nakakatuwang nakakainis dahil kung minsan hindi naman talaga sinasagot kung anong tinanong mo.

tanungin mo kung "Kumain ka na?" sassagutin ka nang "Busog pa ako."
tanungin mo kung "Nandiyan ba nanay mo" sasagutin ka nang "Bakit?"
tanungin mo kung "Nasaan ka na?" sasagutin ka nang "Malapit na ako."
tanungin mo kung "Paano mo ginawa yan?" sasagutin ka nang "Madali lang."

O diba naman? parang praning lang yung tinatanong mo, parang bangag lang kayat may sarili siyang mundo..

Pero kung minsan yung iba mas malupit, tinatanong mo, pero imbes na sagutin ka tatanungin ka rin..


tanungin mo kung "Kumain ka na?" sasagutin ka nang "Anong ulam?"
tanungin mo kung "Nandiyan ba nanay mo?" sasagutin ka nang "Hindi mo ba nakasalubong?"
tanungin mo kung "Nasaan ka na?" sasagutin ka nang "Malapit na ba ako?"
tanungin mo kung "Paano mo ginawa yan?" sasagutin ka nang "Marunong ka rin bang gumawa nito?"

O diba? adik na adik ang dating... hehehe

anchuchay talaga oo....

Parang gusto ko tuloy sumigaw nang paglalakas lakas na ... "ano baaaaaaaa!!!!...

Ikaw makikisigaw ka rin ba?.. aheheheks...

Friday, August 28, 2009

If....



If you were given the chance to live your life again are you going to commit the same mistakes to be with the person you love or to correct the mistakes you did and have a better life?

I had been thinking a lot of things i did wrong in the past, but fortunately i could say those mistakes led me to the company of the people, friends and love ones i have in my side today.

I was asked the question latter this day in a meeting and lots of people in the room said they would try to correct all of their mistakes to have a better life, lots of regrets came out, and lots of hopefuls that all would be good again as it was a few years and decades for some.

When we look back, when we see the glory days and compare it to where we are now, what do you see?

Are you still living the glory days? or are you one of the hopefuls that you would be given a second chance to correct the direction your life was going?

No one could predict the future, we could only see the past, we could only hope for the best and regret whats been done.

We always think "If we did this, could the outcome be like this...?", "If...." we are sometimes bombarded with the word "IF...".

But if you did not do what you did, will you still be here?

If only we are given the chance to see the outcome of our choices. If only we are allowed to peek into the future to see if our decisions are the right ones, if only, a lot of if...

But don't you think we regret too much? worry too much and sometimes forget the best our mistakes has to offer?

We sometimes give an exclamation point on the negative side of what we did, how about looking on the other side for a change?

I know its hard to look on the good part when your down and in the middle of regret, but its your choice, and whatever your choice should always be good.

I just hope i did the right thing....

Am i one of the hopefuls?..

Monday, August 24, 2009

paano ba maging matatag?


nasubukan mo na bang umiyak nang dahil lamang may nakita kang umiiyak rin? kung baga nakiiyak ka lang, nang dahil sa nasaksihan mo ay nasundot ang matagal nang nakahimlay na damdamin sa iyong puso at nakakita nang pagkakataon ang iyong mga luha upang humulagpos at lumaya sa mga mata mong naging kulungan nila.

pero paano kung ang umiiyak na iyon ay isang taong malapit sa iyo? isang taong masasabi mong nakinig sa iyong mga kadramahan, katarantaduahan, umintindi sa iyong mga kapilyuhan at nagpasensiya sa iyong mga pagmamalabis at mga pagkukulang, at ngayon ay kailangan niya nang isang taong malakas na pwede niyang masasandalan sa panahong siya ay nalulugmok, iiyak ka pa ba?

akala nila malakas ako, matatag, dahil iyon ang ipinakita ko, at iyon ang nakikita nila sa akin, pero ang hindi nila alam mababaw lang ang luha ko, na madali akong masaktan, hindi ako makatagal kapag may mga umiiyak, umaalis agad ako nang hindi nila namamalayan at naghahanap nang lugar na hindi nila nakikita at doon ko binibigyang laya ang aking mga luhang pumatak at rumagasa, o kaya ay magsindi nang yosi upang matakpan nang usok ang mga luhang sumusungaw sa aking mga mata.

hindi ko alam kung paanong gagawin ko, pero kailangan kong magpakatatag, ang lumakad nang nakataas pa rin ang noo at maging pader na pwedeng sandalan, kanlungan at magsilbing proteksiyon sa unos na dumaraan sa kanyang buhay.

kaibigang matalik ang turing niya sa akin, ako namay itinuring na siyang kapuso at kapamilya, lagi niya akong iniintindi at kinukunsinti kung minsan, malapit siya sa aking puso kung kayat napakahirap pigilin ang mga emosyong nagpupumilit lumabas lalo na kapag naguunahan na ang mga luha sa kanyang mga mata.

alam ko pinipigilan din niya ang kanyang sarili sa pagiyak subalit hindi talaga maiiwasang may mga pagkakataong natutulala siya, tumatawa nga pero tawang hangang sa kanyang mga labi lamang.

mahirap palang sabihing magiging okey din ang lahat lalo na kapag alam mong alam niya na hindi okey, para kang sinasakal, para kang sinasaksak, pero kailangan mong maging matatag at maging positive para hindi siya malugmok nang tuluyan.

mahirap palang magpakatatag, mahirap palang magkunwaring hindi nasasaktan, mahirap palang maging sandalan, pero kahit gaano pala kahirap basta para sa isang tunay na kaibigang nangangailangan nang tulong may mga kaibigan din palang lalabas at tutulong sa paglalakbay.

napatunayan ko ito sa aking sarili, mahirap pero alam ko hindi ako nagiisa, nauna lang siguro akong bigyan nang pagkakataon upang ito ay makita.

Sunday, August 23, 2009

naligaw ako....


mahirap palang maligaw, hindi mo alam kung saan ka papunta, hindi mo alam kung babalik ka ba o ipagpapatuloy mo nalang ang paglalakbay, dahil sayang naman ang miles na nalakbay mo na.

mahirap pala kapag hindi mo alam kung anong nasa dako pa roon, hindi mawala ang kaba, at pangamba sa iyong dibdib, ang pagaagam agam kung tama ba o mali ang tinahahak mong landas.

pero mas mahirap pala habang nagtgitipa ka sa keyboard nang computer mo, nasa kalagitnaan nang pageemote tapos nag automatic update ang computer mo nagre start, nawala tuloy ang emote mode mo...

anak nang tinapa..

hay buhay.. ewan ko ba, parang feeling ko kasi nagkawindang windang ang buhay ko in the past few weeks, nawalan ako nang ganang gawin ang lahat nang mga nakasanayan ko nang gawin, maging sa trabaho, sa bahay kahit na mga extra curricular and non curricular activities na dati ko namang ginagawa ay naiwang nabitin, hindi natapos, tumiwangwang at humambalang sa bawat kanto nang aking buhay.

parang nawalan ako nang gana, siguro nga dumarating talaga sa buhay nang isang tao ang bigla nalang magsawa, mawalan nang gana o kaya ay maligaw nang panandalian, kung ano pa mang dahilan ay hindi ko mawari, hindi ko maintindihan at lalong hindi ko siguro ito maipapaliwanag nang mabuti.

pero sa panandaliang pagkaligaw na yun ay malalaman mo kung gaanong kahalaga nang mga ito sa iyong buhay, yan ay kung matutuntun mo agad ang dating daang tinahatahak mo at hindi ka tuluyang malugmok sa pagkakaligaw.

sana nga lang magtuloy tuloy na ito at hindi na ako muling maligaw nang landas...

aheheheks...

bow....

Saturday, August 22, 2009

Thursday, August 6, 2009

hindi ka nagiisa!!!

"Paalam at Salamat sa lahat nang iyong mga ginawa para sa bayan...."

Hindi ko sinasadyang makarating nang Osmena Highway kahapon kung saan dumaan ang entorege nang namayapang pangulo nang Pilipinas na si President Cory Aquino, at hindi ko rin inaasahan ang pagkakatipon tipon nang nanapakaraming pilipinong naghintay sa pagdaan nang kanyang kabaong sa kalagitnaan nang malakas na ulan at sama nang panahon upang ipakita sa huling pagkakataon ang kanilang pagpapasalamat at respeto sa namayapang ina nang demokrasyang pilipino.

Bibili lang sana ako nang Plantsa sa SM Manila dahil nasira ang aking lumang plantsa na siya sanang gagamitin ko upang mapatino ang gusot gusot ko nang barong tagalog na siya naming uniporme.

Subalit hindi na nakalampas ang sinasakyan kong jeep kayat naglakad lakad ako gamit ang lumang payong na kung minsan ay hinihila nang malakas na hangin, hangang marating ko ang Osmena highway na punong puno nang tao na pati ang mga sasakyan ay walang nagawa kundi huminto at pumagilid upang bigyang daan ang pagdadalamhati nang marami dahil sa pagpanaw nang isang liwanag na nagsilbing tanglaw sa madilim na bahagi sa kasaysayan nang Pilipinas.

Pumapaimbabaw sa malakas na ulan ang paulit ulit na pagbigkas sa pangalan ni Cory, hangang mapalitan ito nang ibang pangalan at ipalit ang..."Gloria, Gloria Susunod ka na!!!" at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay unti unting lumakas, hangang sa pati ako ay nakisigaw...

Hindi ko ito napanood sa mga balita pero hindi maiiwasang ikumpara ang dalawang babaeng humawak sa pinakamataas na posisyon sa ating bansa, at dahil ayaw kong isara nang google ang blog kong ito e kayo nan ang bahalang tumimbang.....

Biglang nagtanong ang isang babae sa aking likod, kapag kaya si Gloria ang namatay, ganito rin kaya kadaming tao ang darating? marami ang sumagot pero ang pinaka magandang sagot na pinalakpakan nang marami nasiyang dahilan upang maghiyawan ang mga tao ay..."Siyempre mas madami pang tao ang darating... Dahil sisiguraduhin talaga nilang patay na siya at di na muli pang makabangon..."

aheheheks.... binahagi ko lang ang aking naranasan kahapon.... aheheheks talaga....


Thursday, July 30, 2009

Laro lang...

Naranasan mo na bang ma adik sa mga larong pang browser? yung mga laro sa computer na may mga inaalagaan ka, maaring mga halaman na dapat mong diligan araw araw upang hindi malanta, o kaya ay isang buong Village na dapat mong bisitahin upang mandohan ang mga villagers nito upang maghakot nang kung ano anong bagay para sa ikakaunlad nang iyong Village.

Nakakaaliw kasi, pero nakakainis rin kung minsan lalo na kapag ang pinasukan mong laro ay yung pang war games na kung minsan ay kailangan mong i raid or i attack ang isang village upang madagdagan ang iyong mga resources, at kung ano ano pang points upang maging isa kang matatag na village.

Masaya kung ikaw ang nagre raid at umaatake sa mga ibang Villages pero nakaka praning at nakakainit nang ulo kapag ikaw naman ang inaatake lalo na kapag ang umatake sa iyo kasapi sa isang malaking Alliance at hindi ka maka attack back.

Nagsimula ako sa Travian masyado akong naaliw hangang nakarating ako sa Ikariam hangang sa Facebook, sa Pet Society, Farmville, Farm town, Barn Buddy, at Yoville.

Ewan ko ba pero pati ibang ka office mate ko nahila ko na rin sila sa paglalaro nito at naging mga ka alliance, nieghbor, at kung ano ano pang pwedeng itawag sa mga magkaibigang naglalaro nito.

Malamang sa malamang katulad rin kita... Isang certified Browser game adik.. madami pang iba pero hindi ko na maalala, kung may account ka, tag mo ko, friends tayo hehehe...

Tuesday, July 28, 2009

ano na???

Ang tagal ko rin palang nawala, ang tagal ko rin palang nahimlay at nanahimik, ang tagal rin bago ako nagising at muling ipinagpatuloy ang pagsusulat sa kwento nang aking buhay....

Nalusaw na ang mga yelo sa mundo ni Scrat, yung makulit na squirel sa isang pambatang pelikula na alam kong ikaw at ako ay nakinood, nakiusyoso, nakitawa at nalungkot dahil hindi pa rin niya nakuha ang kanyang acorn, parang ibig ipahiwatig na meron na naman itong kasunod...

Natapos na rin ang pakikipaglaban ni Harry kay Snape at natapos na rin ang ika siyam na araw nang pagunita sa pagpanaw ni Dumbledore..

At alam ko muli mo namang aabangan ang isa na namang pakikipaglaban ni harry sa susunod niyang paglabas sa ginintuang tabing...

Marami nang naganap, marami nang nabago pero heto pa rin ako, bagong gising mula sa isang napakagandang bangungot, isang panaginip na hindi ko malaman kung masaya, malungkot, o nakakatakot...

Hangang ngayon nanginginig pa ako, pero hindi ko maipaliwanag kung dahil sa excited ako, o dahil natakot ako...

Pero ang mahalaga heto na ako, muling nagbabalik sa mundo nang blogosperyo, humahabol sa mga nasayang na panahon, binabalikan ang mga post sa mga blog na aking sinusundan....

makahabol pa kaya ako?....

Gising na ba ako? o itoy karugtong pa rin nang aking naputol na panaginip?...


Anak nang tipaklong... ang drama naman... eh ang ibig ko lang namang sabihin ay...

"Im Back..." aheheheks...

Wednesday, July 1, 2009

Happy Birthday to me!!!



Happy Birthday to me!!!
(aheheheks....)

Ganyan talaga ang buhay, bawat taon nadadagdagan ang ating karunungan, mga kaibigan, kakilala at higit sa lahat ang edad...

At ngayon official na, wala na sa kalendaryo ang edad ko .... huhuhu ang saklap, kasama na ako sa mga senior citizen ... aheheheks...

Pero masaya ako dahil narating ko ang ika tatlumpo't dalawang taon nang aking buhay na matiwasay, masaya at maligaya.

Una gusto kong pasalamatan si Bro, dahil binigyan niya ako nang buhay na masaya, mga magulang na puno nang pagmamahal, at mga kapatid na masunurin din naman sa akin hehehehe... at sa kanyang patuloy na paggabay sa akin sa malikot na mundong ito...

Pangalawa sa aking mga kaibigan sa trabaho, lalo na ang housekeeping department na kahit accounting talaga ang departamento ko ay inampon nila ako at itinuring na tunay na kapamilya nila, na sinurpresa ako sa makabagbag damdamin nilang pagalala sa aking kapanganakan, lalo na kay Miss Elaine, Ate Melda, Bert, Malou, Jane, Dwight, Darwin, Michael, at sa lahat nang bumati sa akin maraming salamat. Sa Engineering, Kitchen, Dining, Accounting and Finance, salamat sa pagalala...

Pangatlo sa aking mga naging kaibigan at nakilala sa mundo nang blogosperyo, na sumubaybay sa aking mga likha mula pa sa Coffee Break, hangang sa Kape at Yosi... madaming madaming salamat sa pakikibahagi sa isang yugto nang aking buhay, at sa pakikipag palitan nang mga kuro-kuro, komento, ideya, at karunungan...

at higit sa lahat kay ENGOT na hindi nagsawa sa aking kakulitan, kakyutan, at kakisigan... aheheheheks... ay lab yu... hehehe...

Wednesday, June 24, 2009

transformers:

Kasabay nang araw nang maynila ang muling pagdating nang mga nagdidigmaang sasakyan na pinamumunuan ni Optimus Prime na isang Autobot, at ni Megatron na isa namang Decepticon na pareho namang galing sa Cybertron, kung saan man yun di ko alam, nakinood lang ako, kung gusto mong malaman, hanapin mo, bumili ka nang mapa.. aheheheks... wala akong pasok, holliday, at kailangang maglakwatsa hehehe...

kahit na may nagbabadyang unos ay sige pa rin ako, sugod sa sinehan at pumila,... wow, hanep. nakalimutan ko premiere nga palang ngayon, dumating ako sa sinehan mga bandang alas tres, pangalawang screening na daw yun at ang third screening ay magsisimula mga bandang alas kuatro pa, anak nang tipaklong....

Kung saan saang banda tuloy nang mall ang narating ko, lakad dito, lakad doon, tingin dito, tingin doon... ngayon masakit ang paa ko... kailangan nang hilot... awwwwsssss....

maganda siya kung mahilig ka sa action, dahil talaga namang action packed itong palabas na ito, pero kung ang hanap mo ay magandang storya???.... hmmmm... mejo naapektuhan yata nang rally nang mga writters ang kwento hehehe...

at ang masakit habang nanonood ako, may nagkukwentuhan sa likuran ko... anak nang tipaklong talaga... gusto kong sigawan, kaya lang magisa lang ako, apat sila, kaya nakinig na rin ako sa kwento niya... haaaayssss... anak nang tipaklong talaga....

Hindi naman ako fan ni transformers kaya hindi ko sila masyadong kilala, pero dahil na rin sa kwento nang kung sino mang nilalang na nasa likuran ko habang nanonood kami, magkapatid daw sila, at yun daw ang tatay nila, tutulungan daw siya, .... anak nag tupa... napanood mo na ba? akala ko ba premiere? nanood ka na kanina?.. ang sarap sakalin... pero sabi ko nga apat sila, isa lang ako, makinig nalang ... aheheheks..

eto ilang mga SPOILERS, ... hihilutin ko muna paa ko, masakit talaga... aheheheks...

Sunday, June 21, 2009

Laro lang....

noong una isa lang itong katuwaan, isang laro, pakyutan lang, hangang sa lumawak nang lumawak hangang sa halos lahat ay nakisali, nakigulo at naging isang malaking laro...

May mga ilang umayaw, hindi nakisali, umayaw, pero ganon pa man masasabi kong mas marami ang nakisama, nakigulo, nakisaya...

Isang laro, isang eksperimento, isang pagpapakilala....







Mula sa HK and HR Dept...



Accounting, Finance, Sales Depts.





Guest Services and Dining Depts.




Boys from different depts.
(Eng, Housekeeping, Dining and Banquet waiters, OJT, and etc...)



maraming salamat sa mga nakigulo sa larong aking sinimulan...

Saturday, June 20, 2009

matagal na ito...








matagal na po ito kaya lang ngayon ko lang napagtuunan nang pansin dahil na rin sa aking pangungulila at pagdadalamhati sa pagpanaw ni Yosi.

Pinapasalamatan ko ang mga nagbigay, si ...... nakalimutan ko sila... aheheheks... si ano... hay... hala... sino sino nga ba sila? aheheheks ano ba yun... anak nang tipaklong talaga... matagal na kasi ito sa aking computer at nakalimutan kong lagyan nang mga links.. my bad, im sorry....

Maraming salamat nalang sa kanilang lahat.... maging sino man sila... hehehe, ang naalala ko lang ay si Jelai, si Hari nang Sablay at si Gi-Ann...

at kung gusto mo rin ang mga iyan, kunin mo na rin... maraming salamat...

bow...


Friday, June 19, 2009

directions... directions... directions...

nakakasunod ka ba sa mga utos? directions at kung ano ano pang tawag mo sa may ipapagawa muna sa iyo para marating mo ang dulo nang isang bagay?

o katulad ka rin nang iba, nawawala, nabubugnot, kaya sa huli hindi na alam kung nasaan sila?...




1. May sasabihin sana ko sau... Basahin mo muna no. 5
2. Nagmamadali ka ba?! Read no. 8
3. Curious ka noh? Read no. 9
4. Uu na.. Malalaman mo na sa susunod.. You better read no. 15
5. Sandali lang.. Just read no. 17
6. Gusto ko na talagang sabihin sa'yo.. But you should read no. 16
7. Sasabihin ko na.. Pero basahin mo muna no. 2
8. Simple lang 'to.. Just read no. 4
9. Oo na eto na.. 'Wag ka nang kabahan.. Just read no. 18
10. 'Di pa.. But read no. 19
11. Napapagod ka na ba? Relax! Just read no. 13
12. Tulad ng sinasabi ko.. Read no. 3
13. Malapit na talaga.. Read no. 20
14. Gusto ko lang malaman kung masunurin ka nga .. d;)" Ahihi..=) Peace..
15. Kinakabahan ka na ata eh.. Just read no. 6
16. 'Di mo pa ba alam? Just read no. 12
17. Naku, kainis naman.. Read no. 7
18. Pero 'di ko 'lam kung maiintindihan mo sasabihin ko eh.. Just read no. 10
19. Basahin mo na no. 11.. Slowly.. And you'll find out..
20. Sasabihin ko na nga.. Read no. 14.



hmmmm.....


Tuesday, June 16, 2009

haaay....




and dami ko na palang nasimulang entry pero puro hindi natapos, puro simula lang, pagkatapos nang ilang talata, wala na, hindi na itinuloy dahil nawala na ang interes ko sa bagay na iyon. Minsan naman masyadong malawak ang sakop nito at nahihirapan akong hatihatiin ito upang mailahad ko nang mahusay.

Ewan ko ba, mejo naapektuhan ang aking pagiisip sa pagkawala ni yosi, madaling maginit nang aking ulo, madali rin akong mabugnot, madaling nasisira ang aking konsentrasyon, in short miss na miss ko na si yosi..

Pero ganon pa man, ipinagyayabang kong magiisang buwan na rin akong hindi na muling lumanghap sa maladonselyang usok ni yosi (aheheheks...) hindi na rin ako madalas pumunta sa rooftop upang panoorin ang mga ulap na naghahabulan sa bughaw na kalangitan habang bumubuga nang bilog bilog na usok na humahalo sa mga ulap, hindi na rin ako pumupunta sa 10th floor terrace upang manood sa unti unting paglubog nang araw sa manila bay habang iniisip kung nakakarating nga ba ang usok mula sa yosi sa mga ulap above..

haaay... kailan kaya matatapos ang aking pangungulila at hangang kelan ako magiging matatag at hindi na muling titikim sa maladonselyang usok na aking kinabaliwan... hehehe

Pero ramdam ko na ngayon ang pagbabago sa aking paghinga, hindi na ako hinihingal kapag nagjojoging sa EDSA o kaya ay akyat baba sa hagdanan, hindi na rin ako madalas ubuhin, hindi na rin nagtatakip nang ilong ang aking labintatlong crush na bebot kapag kasabay ko sila sa elevator, madalas na rin akong ikiss nang panlabing apat... aheheks... (joke lang!!!)

anak nang tipaklong.... aheheks talaga....

Friday, June 12, 2009

wala na siya...



mahal ko si YOSI, siya ang bumubuo sa mga malulungkot kong araw at gabi, siya ang aking kasama kapag nagiisip, nagiisa at nakatingala sa mga ulap at bituin sa langit, siya ang kasama ni kape sa aking breaktime, agahan at pati na sa hapunan, ngayon wala na siya, wala na rin akong kasama sa CR.....

Kinuha na siya ni Lord.

kesa naman ako ang kunin ni Lord no? mahal ko si Lord pero madami pa akong planong gawin, tuklasin, maramdaman, matikman at marating, kaya postpon nalang muna ang aming meeting at pinauna ko nalang muna si YOSI, siya ang isa sa mga humihila sa akin sa ilalim nang lupa, alam ko madami sila pero isa isa lang sa pagsusubtract, baka di kayanin nang aking body.. aheheheks...

Matagal ko nang plano ito pero ngayon ko lang tinotoo, sana nga lang ay magtuloy tuloy na ito at huwag nang bumangon pa si YOSI sa hukay at muli akong samahan sa aking pagiisa, (ano yun ZOMBIE?.)

mahirap sa simula, parang hinahanap hanap, naglalaway ka palagi, di makapagisip nang matino, nanghihina, nahihilo pero sa simula lang, pag nasanay ka nang wala nang nicotine ang katawan mo, balik ka na ulit sa normal na kilos, ngayon minus the usok and the amoy usok aheheheks...

at napatunayan sa aking sarili na meron din pala akong disiplina..

Pero ngayon naiisip ko si KAPE, malungkot na siya wala na ang kanyang barkada, wala na ang kanyang kaututang dila, wala na ang kanyang kumpare na humahalo halo sa kanyang usok, pero alam ko, malalampasan rin yan ni KAPE, maging matatag ka lang KAPE, dito lang ako sa tabi mo, kaya natin yan... aheheheks...

Palitan ko na rin kaya ang taytol nang aking BLAG? hmmmm.....

... in memory of yosi?
... nagiisa na si Kape?
... si kape?
... asan na si yosi?
... anak nang tipaklong bat mo pinatay si YOSI?


... hay saka ko na nga lag pagisipan yan, wala pang forty days si yosi... aheheheks...


Wednesday, June 10, 2009

bagong bisita...


MENstream

baka mabisita niyo at maibigan ang dalawang blog na yan na aking binabalik balikan, at dalawa sa aking pinakapaborito, mejo may pagkasuplado nga lang ang author pero may sense naman ang mga sinasabi hehehe...

Sige, blog hop na muna kayo at mejo di ko pa alam ang isusunod kong post... aheheks...




Sunday, June 7, 2009

Vowels for sale...


naranasan mo na bang makalimutan ang sana ay sasabihin mo? nasa dulo nang dila mo pero hindi mo mabigkas dahi nga hindi mo na maisip kung ano yung sasabihin mo.

Madalas mangyari sa akin ang ganyan pero baligtad, kadalasan mga ka opismate ko ay hindi na maalala ang sasabihin sa akin, nakakatawa noong una pero pagtagal nakakairita na, dahil pati ikaw ay mapapaisip kung ano yung sana ay sasabihin niya.
"Sir kanina ko pa kayo hinahanap, kaya lang mamaya nalang kasi nakalimutan ko na sasabihin ko hehehe...", ganyang ganyan ang mga kadalasang naririnig ko, hindi ko tuloy malaman kung gusto lang nilang sabihin pumirme ka nga sa mesa mo nang hindi ka namin hinahanap para hindi namin makalimutan ang sasabihin namin sa iyo. hay naku naman....

Minsan sa telepono
"Hello this is Rhodey, how may i help you?", tapos ang isasagot sa iyo " a.. e.. sir tawag ulit ako mamaya, nakalimutan ko sasabihin ko hehe..." , o kaya naman ay ganito "Ay sir sorry, hindi po pala ako dapat diyan tatawag sorry po wrong number hehehe.." anak nang tipaklong hindi bat nakakairita?

Noon ang kadalasang sinasagot ko
"Okey sige, feel free to call back later", kaya lang ngayon iba na.. nakakairita na e, pinapabili ko na sila nang vowels and consonant to complete yung phrases nila..

Ayaw ko nang sabihin ang
"okey lang", ngayon ang sagot ko, "Sige kaya mo yan, may letter S ba?, o kaya bili ka nang vowels, yung letter A, 5 pesos lang naman, meron ka na bang choice?"

hay naku talaga naman.....

Ikaw? baka gusto mo ring bumili nang Vowels? five pesos lang!... aheheheks...






Thursday, June 4, 2009

ang homework ni bunso? o ni kuya?



Unang lingo palang nang pasukan inulan na agad, kaya sigurado may mga klasroom na namang lubog na sa tubig at siguradong ang ilang mga magaaral kung hindi pinapasok nang mga magulang ay tinamad nang pumasok. Baha na kasi sa ilang bahagi nang maynila sa halos isang linngo nang pabugso bugsong ulan.

Pero ako inuulan ako nang text at mga tanong nang aking bunsong kapatid patungkol sa kanyang mga takdang aralin, unang baitang palang siya sa mataas na paaralan at ipinangako ko kasi na kapag mataas ang kanyang mga grades ay dito siya sa maynila magaaral nang college, pero hindi ko naman sinabing sa akin siya magtanong nang kanyang mga takdang aralin, anak nang tipaklong talaga aheheheks...

mabuti nalang at may internet na sumasagot sa mga takdang aralin ni bunso. ang tagal ko na kayang wala sa paaralan at inaamag na ang aking utak sa mga tanong na walang kinalaman sa aking trabaho ngayon.

Hindi ko sinasagot nung una, ayun nanay ko na nagtext at umiiyak na daw dahil hindi din daw alam ni nanay ang sagot, hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako dahil ipinapakitang pursigido o maiinis ako dahil kinukulit ang aking inaamag nang utak aheheheks...

Ewan ko ba kung bakit at paano silang nakakapagaral nang walang mga aklat, paano nalang yung ibang magaaral na walang mga kapatid upang tumulong sa kanilang takdang aralin? Ganon ba talaga sa public school? walang mga books?

Pinapahiram ko yung aklat nang kanilang teacher para ipa xerox niya upang magkaroon siya ng reference, sana nga lang pumayag, hay naku...

Wednesday, June 3, 2009

May bagong Uso...


Ayan official na, idineklara na kahapon ang pagdating nang tagulan, ibig sabihin...

Uso na naman ang mga payong, kapote, sumbrero, at kung ano ano pang pwedeng panangga sa ulan upang hindi ka dapuan nang sakit.

at higit sa lahat....

Uso na ulit ang mga baha, sipon, alipunga, at mabahong paa mula sa pagkababad sa basa mong sapatos at medyas at kung ano ano pang sakit sa balat na pwedeng makuha sa paglusong mo sa maitim na tubig baha mula sa ibat ibang parte nang maynila.

Uso na ulit ang pagpaiinit nang tubig para makaligo, o kaya ay wisik wisik na lang dahil sa sobrang lamig nang tubig mula sa gripo.

Uso na naman ang mga maliliit na tulay na may bayad, o kaya ay mga pabuhat, at higit sa lahat mas mataas na naman ang singil ni mamang pedicab driver na sinasamantala ang pandidiri mo sa tubig baha na ayaw mong suungin dahil bukod sa maiitim na ay mabaho pa.


Uso na naman ang mga batang kalye na nagtatakbuhan sa ulan nang hubad, at ang mga pipit na may kasama pang itlog nang pugo ay lulundag lundag na naman sa maiitim na tubig baha sa kahabaan nang kalsada.

Nakakatuwang pagmasdan ang mga paslit sa kanilang paglalaro sa ulan, ang kanilang habulan, harutan at tawanan sa ilalim nang tulay, habang nakikipagpatitero sila kay kamatayan sa pagdaan nang mga jeep at iba pang sasakyan.

Nakakadiri ding pagmasdan ang paglutang nang mga nalunod na daga, ipis at kung ano ano pang hayop na nakatira sa mga imburnal at ngayon ay sumasama sa agos, patungo sa iyong kinatatayuan.

Nakakabuwisit isipin na ang lahat nang ito ay pwede sanang maiwasan kung hindi iniwang nakatiwangwang at sana ay tinapos na ang hindi matapos tapos na paghuhukay sa ibat ibang parte nang kalsada, na siya nagdudulot nang mas matinding pagbaha.

Anak nang Tipaklong.....

kelan kaya mababago ang usong yan?...

Saturday, May 30, 2009

pasukan na...


June na pala, ang bilis talaga nang panahon, eto at panahon na naman nang tagulan, at kasabay na naman nang mga patak nang ulan ang makapigil hiningang pagtitipid upang may maipadala sa probinsiya para sa alawans ni beybi damulag sa elementarya, ni jologs na kapatid sa hayskul, at ni munting propesyonal sa kolehiyo.

Tiyak na tiyak na naman ang kita ni LBC, Western Union, at ang hari nang padala sa mga remittance, local man o mapa international. (kuha nalang kaya tayo nang stock share para libre na padala? aheheks)

Sabagay kaya nga tayo nagtatrabaho diba? para mabigyan sila nang mas magandang bukas at ang magandang bukas na iyon ay mararating nila nang mas mabilis kung meron silang sapat na kaalaman, diploma at karunungan na makukuha lamang sa paaralan. (na sobrang mahal... ngiiii...)

hindi pa ako isang ama, isa lang akong kuya na nagnanais ding mabigyan nang diploma ang aking mga kapatid upang makahulagpos rin sila mula sa mahigpit na yakap nang kahirapan.

dahil saan ka man parte nang mundo mapadpad basta meron ka nito, wala kang talo, gamitan mo lang nang konting diskarte, tamang pagiisip, sipag at talino in na in ka na parekoy. (para lang commercial nang alcohol.. aheheks... di lang pampamilya, pang isports pa ahehehe..)

Kaya lang naisip ko lang ito noong graduate na ako, noong nasa mga kamay ko na yung diploma at ginagamit ko na, dahil noong nasa paaralan pa lamang ako, ang pasukan ay hudyat na naman nang lingo lingong allawans, may pang gimik, may pang inom, may pang yosi at may pang outing. ( inang... ito rin kaya nasa isip nila?.. aheheheks)

minsan pa nga kapag kinulang ang bigay na alawans dahil may lakad, magkikita ang tropa, o may date, kupit sa tindahan ni nanay, o kaya ay kunwari may project, kunwari bili nang libro, tapos ipapaxerox lang pala, kunwari bibili nang bagong uniform yun pala ipapa repair yung luma e bi mukha nang bago. ( oyyyy!!! di ko ginawa lahat yan, nakuwento lang sa akin... aheheheks)

kaya nga ako kinakabahan kapag sinasabihan ni nanay yung mga mas bata ko pang kapatid "Tularan niyo kuya niyo". Inang kupo, mapapasubo ata ako pag nagkataon aheheheheks...

ikaw anong kwentong fibisco mo? aheheheks....

Friday, May 29, 2009

Pira Pirasong Langit

minsan napakasarap tumingala sa langit at pagmasdan ang paiba ibang hugis nang mga ulap na naglalakbay sa bughaw na kalawakan, para lang mga kumpol nang mga pangarap na nabubuo, lumalago, na parang hinahanap ang tamang lugar sa kalangitan upang makita, mapansin at mapagmasdan nang lahat.

Subalit sa kanilang paglalakbay hindi maitatatwang may mga ibang pangarap na nawawala na lang, naglalaho, nagkakapiraso, at nawawalan nang buhay, habang ang ilan naman ay patuloy na lumalago, nabubuo hangang maging isang kumpol nang tubig sa langit na nagsisilbing biyaya sa lupa bilang ulan na nagbibigay buhay.

Subalit hindi lahat nang mga nabuong pangarap ay nagbibigay nang panibagong buhay at pagasa, meron ding nagiging mapaminsala at minsan kumikitil din sa mga pangarap nang iba.

ang kapirasong langit na nasa mga kamay mo, para saan ba ito? upang makapagbigay nang panibagong pagasa katulad nang ulan o upang kumitil nang mga pangarap tulad nang unos?...

Wednesday, May 27, 2009

are you smarter than a fifth grader- Kelly Pickler

hindi ko talaga kilala si Kelly Pickler pero sabi ni pareng Wikipedia siya daw ay isang American country music artist, naging sikat daw siya dahil sa pagsali niya sa Fifth Season nang American Idol at umabot siya hangang sa sixth place.

Meron din siyang certified gold album na kinabibilangan nang mga kantang "Red High Heels", "I wonder", at "Things that never cross a mans mind". Magaling siyang singer pero natawa talaga ako nang todo sa episode na ito nang .... tadannnn....

Are you smarter than a fifth grader...

hungary...





a swirly after class....




isa lang ang masasabi ko, wow.....!!!

Tuesday, May 26, 2009

naalala mo pa rin?...

pagkatapos mong kausapin, ibalibag at pangigilan ang iyong mga gamit, ngayon naman kapag ikaw ay nagiisa, may mga pagkakataon bang bigla ka nalang nangingiti? o kaya ay bigla na lamang tatawa nang malakas na bubulahaw sa iyong katabi na bigla ring magtatanong "hoy, anong nangyayari sa iyo?" o kaya ay nakatanaw ka sa malayo, nakatulala, parang wala sa sarili, tapos bigla ka nalang tatanungin nang mga kasama mo sa trabaho "Nakainom ka na ba nang gamot mo?" o kaya ay "tatawag na ba ako nang amulansiya para maihatid ka na sa mental para maagapan yan?"


nakakainis no? sentisentihan ka, tapos bubulabugin ka lang nang mga hinayupak na walang mga magawa, kung bakit naman kasi kapag nagiisa ka, masarap magiisip at alalahanin ang mga masasayang moments niyo nang iyong labidu, o kaya mga kulitan, harutan at ang mga walang kwentang jokes nang iyong mga kaibigan na hindi naman nakakatawa noon pero ngayon kung kelan ka nagiisa saka ka naman natatawa, hmmmm... may pagka slow ka? ... aheheheks..


bakit kaya ano? kapag nagrereminisce ka, kapag inaalala mo ang mga nakaraang pangyayari sa buhay mo, pati na ang mga emosyong naramdaman mo noon ay bumabalik din, ang saya, ang mga halakhak, pati na ang pait, ang tamis, ang galit at pati na ang mga luha ay bumubuhos pa rin, maaring hindi na ganoon katindi ang emosyon mo, pero nakapaloob pa rin dito ang mga emosyong iyon kahit lumipas na ang panahon.

kailangan ba talagang kapag may naalala ka, kasama pa rin ba dapat ang mga emosyong nadama mo nang ang pangyayaring iyon ay naganap? hindi ba pwedeng "I remember the scene but i dont remember the feelings anymore?" aheheheks... kanta ata yun?


pero kapag tinangal mo ang mga emosyong nakapaloob dito ano pa nga ba ang silbi para alalahanin mo ang nakalipas? bakit ba kasi kailangang magreminisce? bakit kailangang alalahanin pa ang mga nangyari na? ano pa nga ba ang mga rason bakit binabalikbalikan mo pa rin ang isang alalaala na lang?

ito ba ay para magsilbing alaala nang iyong mga pagkakamali upang matuto sa mga susunod na mangyari ulit ito? para katukin ang puso mo at ipaalalang nangyari na ito, ayaw mo nang mangyari pa ulit, o maramdamang pagkalipas nang lahat nang nangyari ay maramdaman mong tao ka pa rin, may puso at damdaming nakakaramdam pa rin nang sakit, saya, nakakaluha at nakakatawa pa rin, o kaya ay paalalahanan mo ang iyong sarili na pagkatapos nang lahat heto ka pa rin nakatayo, lumalaban, mas masaya, o mas malungkot kesa sa dati? na nakalugmok pa rin at di pa nakakamove on?

sandali lang, akala ko ba masaya ang post kong ito? e bakit parang nagiging drama na? anak nang tipaklong naman, ayoko nang iyakan, ayoko nang drama, pero paano ba gawing masaya ang pagalala sa isang malungkot na bahagi nang iyong buhay?...

hindi naman pwedeng tumatawa habang lumuluha para sana balanse, may ngiti, may luha, may ambulansiya nang naghihintay sa iyong paglabas ahehehe....

masarap magbalik tanaw kapag ito ay nagbibigay sa iyo nang lakas upang lumaban, tumayo at maglakbay ulit, subalit kung sa iyong paglingon ay mas malulugmok ka sa iyong kinalalagyan ay dapat mo na siguro itong kalimutan, iwaksi sa iyong isipan at pulutin ang aral na pwede nitong ibigay sa iyo, lumakad pasulong, at hayaang lamunin nang kahapon ang pait na dala nang nakaraan.

ngunit paano?...





Monday, May 25, 2009

paano kaya?...hmmmm...

naranasan mo na bang nagsasalitang magisa? kinakausap ang sarili? o kaya ay ang mga bagay bagay na nasa paligid mo?

kapag nagcocomputer ka at mabagal ang connection, di mo ba mapigilan ang sarili mong kausapin ang computer mo, murahin o kaya ay magmakaawa upang bilisan nito ang pag download? kapag di mo mabuksan ang pinto, ano ba ang ginagawa mo? kinakausap mo pa rin ba? ang sapatos mo kapag di mo makita sinisigawan mo ba at tinatanong kung nasaan na siya? na pwede bang magpakita na siya at malelate ka na? ang susi mo kapag di mo mahanap, ano ang ginagawa mo?

hindi ko rin maintindihan pero alam mo namang hindi sasagot ang mga iyon pero kung kausapin mo sila ganun ganun nalang, kung minsan punong puno nang pagmamahal, minsan naman punong puno nang galit, kung ibalibag mo nga sila ganun ganun nga lang din, kung minsan at nangigigil ka di ba kung lapirutin mo sila, yakapin ay halos magkadurog durog na sila?

nakakatuwa ano? alam mong di ka naman sasagutin pero bakit kailangan mo pa silang kausapin? pumasok na ba sa isip mo paano nalang kung bigla silang sumagot? may matatakbuhan ka ba? e kung sa kakalapirot mo sa pangigigil mo diyan sa laruan mong teddy bear biglang umaray, may malulundagan ka ba? yung sapatos mo sa kababalibag at biglang nagreklamo may mapagtataguan ka kaya? yung mga susi kung biglang sumagot at sisishin ka sa pagiging burara mo, may matatakbuhan ka ba? hmmmmmm.....

e pano nalang kung habang binabasa mo to may sumitsit sa likod mo lilingon ka kaya?....

aheheks.... joke lang po....

pssssttt..... hahaha

Sunday, May 24, 2009

my favorite blog award

Lahat tayo may mga blog na binabalikan, kahit isang taon na ang nakalipas mula noong huli siyang nagpost e sige pa rin tayo sa pagbisita dahil gusto natin ang kanyang blog, marahil dahil nakakarelate tayo sa mga post niya, naniniwala tayo sa kanyang mga pananaw o kaya ay naaaliw tayo sa paraan niya nang pagsulat at sa paglalahad nya sa kanyang mga naiisip, kahit ano pa ang rason mo, masama man mabuti basta ang nahalaga ay gusto mo ang blog niya, mahal mo na siya bilang isang manunulat at nais mong sabihin sa kanyang "love ko na ang blog mo", at umaasa akong sa paraang ito ay masabi natin sa ating kapwa bloger na paborito natin ang kanyang pahina.


simple lang naman ang rules nito.

1. dapat lagi mong binibisita ang kanyang pahina,
2. inform mong meron siyang tag/award sa pahina mo,
3. acknowledge mo kung sinong nagbigay sa iyo.
4. pwede mong ibigay sa kung ilang blog na mahal mo, malapit sa puso mo, o kaya ay paborito mo.
5. Lagyan mo na rin nang link

yun lang.

una na ako.... gusto kong ibigay ito kay:

Lord Cm mula sa "Dungeon Lord"

Hari nang Sablay mula sa "Tambay"

The Pope mula sa "Palipasan"

Marlon mula sa "Perspektib"

Super Gulaman mula sa "Super Gulaman"

Jelai mula sa "My Deviation"

Gi-Ann mula sa "The Second Realm"

at sa lahat nang mga naligaw, nakibasa, tumambling sa aking pahina at sa lahat nang mga ka blogs natin na nasa aking blogroll at nais niyo din itong kunin at may pagbibigyan kayo ay sige lang grab lang nang grab aheheks...





gusto ko lang ding pasalamatan si Gi-Ann mula sa TheSecond Realm, at kay Jelai mula sa My Deviation para sa mga award na to..



Saturday, May 23, 2009

sa aming probinsiya..


alam ko hindi lang ako ang gustong gusto nang makauwi na muli sa probinsiya, ang muling makita ang mga kaibigan at mga kabarkadang kababata, mayakap ang mga mahal sa buhay at muling gawin ang mga bagay bagay na ating kinagawian, ang magpalipad nang sarangola sa kaparangan, maghabulan sa bukid, magkwentuhan sa ilalim nang punong manga, umakyat sa puno nang sinegwelas, manghuli nang tutubi sa parang at kung ano ano pang gustong gusto mo nang balikan at gawing muli upang maramdamang muli ang ligayang dulot nang pagiging bata...

ang sorbetes na inaabangan mo sa hapon, ang habulan ninyo habang naglalaro nang tumbang preso, piko, taguan, sipa, at madami pang iba, at siyempre namimiss mo na rin yung kalaro mo sa bahay bahayan, kumusta na kaya sila?

kakainis kasi itong si mareng Celeste Legaspi, sarap na sarap akong nakikinig sa radyo nang bigla siyang kumanta, nadala tuloy ako, nasaling ang aking pinakatago tagong damdamin para sa aking mga mahal na naiwan sa probisiya, ayan nag "emo mode" tuloy ako...

haaaaaayyyyyyy......

Thursday, May 21, 2009

ikaw, ako at isang mathematical equation


ayaw na ayaw ko ang math, kaya nga ako kumuha nang English bilang major sa aking pagaaral kasi puro lang yun subject and predicate, noun at pronoun, at walang kinalaman dito ang addition, subtraction, multiplication at division, lalong lalo nang ayaw kong makasabay sa paglalakbay sina pareng squareroot at pareng pie, lalo na si pareng variance, dahil sakit nang ulo, lagnat, sipon at nose bleed ang inaabot ko sa kanila.


Subalit, ngunit, datapwat....


sa mga hindi maiiwasang kadahilanan napalundag ako sa kumukulong kumunoy nang mga numero sa aking paghahangad na maiangat ang aking propesyon at hangang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaahon mula rito, magaapat taon na rin ako sa mundo nang accounting, pero habang tumatagal parang nalibang na rin ako at hindi ko na inasam na muling umahon pa at lisanin ang kanilang mundo, ewan ko ba? parang may magnet na humila sa akin upang mapalapit sa kanila at tuluyan ko silang niyakap, inalagaan at itinuring na bahagi na nang aking buhay.

noong una pinipilit ko ang sarili kong iwasan sila, na hindi kailan man mainlab sa magulong mundo nang mga numero pero sa bawat galaw ko, unti unti kong nakita kung paanong ang mga numero ang siyang gumagabay sa aking paglalakbay, at napagtanto ko na tayo ay nabubuhay sa gitna nang isang malaki at complikadong mathematical equation, maaring napansin mo na rin, maari ding hindi mo lang binigyan nang tingin pero hindi bat sa bawat galaw mo, maaring gumagamit ka nang addition, subtraction, multiplication at maari ding may division?

kapag naglalakad ka nagdaragdag ka nang milya sa iyong paglalakbay, habang nagsusubtract ka naman sa oras na iyo pang ilalagi sa mundo, nagmumultiply ka sa pamamagitan nang pagkakaroon nang mga supling at gumagamit ka nang division upang mapagkasya ang oras mo sa trabaho, pamilya, kaibigan at para sa iyong sarili, pero habang ginagawa mo ito ay naapektuhan rin ang buhay nang ibat ibang taong nakapaligid sa iyo.

kasama ako sa nagsasabing mahirap unawain ang mathematics, pero kapag itoy iyong niyakap at isinapuso ay makikita mong hindi ito mahirap intindihin, at lalong hindi siya mahirap gamitin sa araw araw nating paglalakbay.

hindi ko man lubusang maipaintindi sa inyo kung ano ang ibig kong sabihin subalit magmasid ka kaibigan at makikita mong ang mathematics ay ginagamit natin sa araw araw, hindi lang natin napapansin, hindi lang binibigyang halaga, pero ikaw ay kasama ko sa isang higante at kumplikadong mathematical equation at bawat kilos mo ay may epekto rin sa akin, at sa mga taong mas malapit pa sa iyo.

hmmmmm... did i make sense? aheheheks...